^

Pang Movies

Eat Bulaga, magkakaroon ng formal announcement

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tatapusin muna ang isang buwan bago maglabas ng developments sa Eat Bulaga ayon sa aming source.

Sa ngayon, normal pa ang takbo ng programa with its usual segments. May live at taped episodes pa ring napapanood. Present pa rin ang halos lahat ng Dabarkads except Maja Salvador at Miles Ocampo na may taping ng TV shows.

Kaya huwag basta paniniwalaan ang naglalabasan sa Eat Bulaga.

Hintayin natin ang formal announcement ng Bulaga upang malaman kung totoo o hindi ang balita kung magkakaroon ng pagbabago sa longest noontime show!

‘I’m territorial!’ – Bianca

Selosa si Bianca Umali. Inamin niya ang ugaling ‘yan sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan muling nabuksan ang parking lot incident kung saan muntik na raw niyang masagasaan si Ruru Madrid na tago pa ang kanilang relasyon. “It was exaggerated ‘yung story,” sabi ni Bianca pero wala nang detalyeng sinabi kay Boy.

Basta para kay Bianca, basta mahal niya ang isang lalaki, gusto niya kanya lang. “I’m territorial!”saad pa niya.

Hindi na nabanggit kung sino ang pinagselosan ni Bianca pero that incident, galing sa premiere night ng movie na Cara X Jagger si Bianca na pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.

Basta sa pagkakaintindi namin sa sabi pa ni Bianca, sinungaling si Ruru that time. Pero ngayon ay maayos na sila at masayang magkasama sa GMA series na The Write One.

Kapwa rin member ng INC sina Ruru at Bianca kaya lalo silang nagkalapit mabuti.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with