^

Pang Movies

Dahlia nina Anne at Erwan, sa Tokyo Disneyland nag-birthday

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dahlia nina Anne at Erwan, sa Tokyo Disneyland nag-birthday
Erwan, Dahlia at Anne

Anne Curtis and Erwan Heussaff’s daughter Dahlia Amelie turned three last March 2 at ito’y kanilang sinelebrayt sa Tokyo Disneyland in Tokyo, Japan kung saan naka-Cinderella costume pa si Dahlia na bumagay sa bata.

Perfect ang location ng birthday celebration nito dahil marunong na itong mag-appreciate sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

A well-traveled girl since she was a baby, siya ang sentro ng relasyon at pagmamahalan nina Anne at Erwan at gagawin ng mag-asawa ang lahat para sa kanilang unica hija.

Well-loved personality, nahaharap sa matinding isyu

Although wala pang official na balita hinggil sa item na ito, pero usap-usapan na ito.

Isang well-loved personality sa industriya ng telebisyon at pelikula ang mawawala na umano sa programa at kumpanyang kanyang pinaghirapan at pinalago ng maraming taon.

Katunayan, mahigit apat na dekada. Ang dahilan, nag-take over na umano ang tunay na may-ari ng kumpanya na walang pagod at hirap kung anuman ang nara­ting na estado nito ngayon.

Since loyal sa well-loved personality ang kanyang mga empleyado at mga ta­lent, malamang na magkaroon ng mass resignation na siya umanong gusto ng may-ari ng kumpanya to give the company a fresh start ngayong ito’y nasa kanyang pamamalakad ngayon.

Although hindi kami worried for the well-loved personality dahil may naitatag na rin naman itong iba’t ibang negosyo at kaya rin niyang bumuo ng programa o mga programa kung nanaisin niya plus his good relationships with the industry’s key players, hindi kami magtataka kung pati ang programang kanyang itinayo at pinalakas ay kalabanin niya lalupa’t kaya niyang kunin ang mga prime talent and employees na loyal sa kanya.

Ang nakakalungkot lamang, itong well-loved personality na ito ang ‘sumagip’ at nagpalago sa kumpanya dahil din sa kanyang pagti-take ng risk na kalabanin ang mga establisado nang programa at a time na walang kapasidad ang may-ari na patakbuhin ang kumpanya nang maayos. Pero wala nang dapat patunayan pa ang well-loved personality na ito. His body of works ang siyang magpapatunay sa kanyang husay at kredibilidad bilang isang negosyante at pakikisama sa kapwa.

Ate Vi, heaven ang pakiramdam sa apo

Hindi ikinakaila ng Star for All Seasons, dating politician, host, award-winning actress-turned vlogger na si Vilma Santos na sobra umano siyang excited sa kanyang muling pagbabalik-showbiz ngayong pahinga (muna?) siya sa kanyang political career at pagiging isang public servant na 24 years din niyang binuno.

She’s doing a reunion movie with drama king Christopher de Leon na nakasama na niya in 24 films as her leading man. Ito’y kukunan umano in Japan. She’s also doing a movie under Reality Studios ng mag-partner na Dondon Monteverde and Direk Erik Matti na malamang for international release.

“I’m so excited,” she beams.

“Ang pakiramdam ko nga ay para akong nagsisimulang muli,” natatawa niyang pahayag at the launch ng Angkas with her as the brand ambassador.

Ang isa pang ikinatutuwa ngayon ni Vi ay natupad na rin sa wakas ang kanyang pagiging lola sa kanyang kauna-unahang apo sa kanyang panganay na si Luis (Manzano) at misis nitong si Jessy (Mendiola).

“Heaven ang pakiramdam!” deklara niya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with