^

Pang Movies

Cast ng Voltes V, makikisaya sa Dinagyang Festival!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cast ng Voltes V, makikisaya sa Dinagyang Festival!

Exciting ang Dinagyang Festival this weekend dahil makikisaya sa mga Kapuso sa Iloilo ang cast ng Voltes V: Legacy!

Abangan sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho sa Robinsons Iloilo para sa isang all-out Kapuso Mall Show ngayong araw ng 4 p.m.

Last week, bumisita rin ang cast sa Cebu para sa Sinulog Festival. Naging mainit ang pagtanggap ng mga Cebuano sa Sparkle stars na nangharana sa Kapuso Mall Show at dumalo rin sa Sinulog Grand Parade. Manatiling nakatutok sa GMA Network at baka kayo na rin ang next na bibisitahin ng inyong paboritong Kapuso celebrities.

Ryan, ginawang model si Maine

Ang bongga naman ni Ryan Agoncillo. Hindi lang pala ito actor at host kundi photographer din! Ang latest subject nito ay si Maine Mendoza.

Ang gaganda ng kinalabasan ng shots nito na kinunan sa famous red wall of APT Studios na tahanan ng Eat Bulaga. Sari-saring poses ang ginawa nito mula wacky hanggang chic kung saan dala nito ang kanyang signature red lip.

Nakakaaliw ang aktres tuwing nahihiya ito habang kinukuhanan ni Ryan.

Nagpasalamat naman ang mister ni Judy Ann Santos at masaya siya sa mga kuha niya kay Maine. ‘Di rin nito nakalimutang magpasalamat sa studio guards at staff. Bongga.

vuukle comment

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with