^

Pang Movies

Pusa ni Taylor Swift, pinaka-mayamang pet sa buong mundo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pusa ni Taylor Swift, pinaka-mayamang pet sa buong mundo
Taylor Swift

Na-report sa State of the Nation na ang pet cat ni Taylor Swift na si Olivia Benson and considered as the third richest pet sa buong mundo. Sa balita ng All About Cats, may $97million o more than P5.4 billion net worth ang cat na sikat na sikat sa social media dahil si Taylot Swift ang fur mom niya.

Scottish Fold si Olivia na kumikita dahil isinasama siya sa music videos ng kanyang fur mom, gaya ng Blank Space at ME! May sarili rin siyang merchandise line at lumabas sa malalaking ads. Nakasama siya sa ad campaign ng Diet Coke at Ned Sneakers.

  Ayon pa rin sa All About Cats, ang richest pet sa buong mundo ay ang German shepherd na pagmamay-ari ng Gunther Corporation at may pangalang Gunther VI. Hindi lang nabanggit ang net worth nito, basta richest pet siya.

Paolo, na-bash sa ‘di pagtanggal ng sapatos sa penthouse ni Alden

Kasama si Paolo Contis ng mga bossing ng GMA Network na bumisita kay Alden Richards sa penthouse nito na kung saan, may pa-penthouse tour pa ang actor sa kanyang mga bisita. Ang tanong ng netizens, bakit kasama si Paolo? Close ba siya kay Alden?

Ang intende naman, kaya kasama si Paolo ng mga bossing ng GMA dahil siya ang nag-interview kay Alden para sa YouTube channel ng Sparkle GMA Artist na malapit nang umere. Si Alden yata ang first guest sa interview na sobrang depth at riot daw.

Nag-interview lang si Paolo, pero na-bash pa. Hindi raw kasi ito nag-alis ng sapatos habang nasa penthouse ni Alden. Ang ibang kasama, nag-alis daw ng sapatos at naka-medyas lang bilang pagsunod siguro sa rules sa loob ng penthouse.

Siguro naman, nagpaalam si Paolo kay Alden kung puwedeng hindi niya alisin ang shoes niya at pumayag si Alden. Walang isyu dapat, pero nakita kasi ng netizens sa mga lumabas na photos na naka-medyas ang mga bisita ni Alden maliban kay Paolo.

 Katatapos lang ng isyu ni Paolo nang batiin ng happy birthday si Summer, ang anak nila ni LJ Reyes, heto at may bago na naman siyang isyu.

vuukle comment

TAYLOR SWIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with