^

Pang Movies

Ryan at Juday, mas marami na ang binebentang pagkain!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ryan at Juday, mas marami na ang binebentang pagkain!

Ang sipag ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos at hands on sa pagma-manage sa kanilang Angry Adobo restaurant. Noong isang araw, ni-launch ang bagong menu sa kanilang restaurant at dagdag na rason para kumain sa resto ng mag-asawa.

Gugustuhin mo sigurong tikman ang bagong menu nila na laing and cream cheese empanada, munggo at tinapa, cassava cheesecake, deep fried kaya toast, my perfect fried chicken, chori burger at iba pa.

Nasa launching ng bagong menu ng Angry Adobo sina Dominic Roque, Khalil Ramos at Gabbi Garcia. Ang sarap tingnan ng dishes at gugustuhin mo talagang matikman. Ang problema, walang branch ng Angry Adobo sa Cubao area.

Ang cute tingnan nina Judy Ann at Ryan na naka-apron at wine-welcome ang diners at kanilang mga suki. Si Judy Ann pa ang nagse-serve at bonus sa diners ang kissing scene nina Judy Ann at Ryan.

Programa ni Boy sa GMA, next year pa eere

Pabirong inintriga ng Kapuso fans sina Boobay at Super Tekla na mababago raw ang time slot ng kanilang Sunday show na The Boobay and Tekla Show dahil nasa GMA na uli si Boy Abunda. Baka raw ibigay ng GMA kay Boy ang time slot ng kanilang show at si Boy na at hindi na sila ang reyna ng Sunday evening.

Pumirma na nga ng kontrata kahapon, 3 p.m., sa GMA Network si Boy ay present ang mga bossing ng network. Live na napanood ang contract signing niya via livestreaming sa Facebook page ng GMA Network.  

Pero, how true na next year pa ang airing ng kanyang show?

Sa teaser na inilabas ng GMA prior sa pagpirma ng kontrata ni Boy, laging may kasamang fuchsia chair.

Negang former TV star, ‘di pinatulan ng sikat na TV personality

Hindi ikinatuwa ng fans ng isang mahusay at sikat na TV personality ang comment ng isang former TV star na kaya may reklamo ang sikat na TV personality dahil bading ito. Tanong ng fans ng sikat na TV personality sa former TV star, naiinggit ba siya sa kasikatan ng sikat na TV personality, kaya siya nakapag-comment ng hindi maganda?

May nag-comment pa na baka crush lang ng former TV star ang sikat na TV personality at hoping siya na baka mapansin siya dahil sa nega comment niya. O baka bored lang daw si former TV star, kaya pinagtitripan ang mga kilalang personalidad.

Ayon naman sa fans ng sikat na TV personality, kahit ano pa ang sabihin ni former TV star, hindi siya papansinin at baka ma-“who you” pa siya nito. Ang payo sa kanya ng fans ng sikat na TV personality, mag-workout siya at baka ‘pag siya’y pumayat ay makabalik siya sa showbiz.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with