^

Pang Movies

Kate, pahihirapan ng tatlong katrabaho!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tatlo ang magpapahirap at aapi kay Kate Valdez sa pinagbibidahan nitong tele­serye sa GMA na Unica Hija. Nakatikim ng sampal, sabunot at panlalalit si Kate mula kina Maricar de Mesa, Faith da Silva, at Rere Madrid.

Ang pinapasalamat daw ni Kate na mahuhusay ang mga nakakasama niya sa mga eksena kaya walang nangyayaring hindi maganda kapag kinunan ang mga eksenang kailangang pahirapan siya.
“Maganda po ang rapport ko sa kanilang tatlo. Like si Ate Maricar, sasabihan niya ako na ganito ang gagawin niya sa akin kaya kailangan aware ako para hindi ako magulat.

“Si Faith naman po, matagal na kaming magkaibigan niyan kaya okey po kami at mainigat din po siya.

“Si Rere naman po, friend ko rin po siya kaya nag-uusap muna kami bago kunan ‘yung eksena. Kaya maayos po lahat,” sey  ni Kate.
Kung noon nga raw ay si Kate ang kontrabida, ngayon ay ramdam niya ang papel na inaapi: “Sa totoo lang po, I’m not gonna lie, challenging po siya, may kahirapan din po. Sa mga previous shows na ginawa ko, mostly talaga ako ‘yung kontrabida. Ako ang nang-aapi, ako ‘yung nananakit, ako ‘yung nagtataray.”
Mabibigat daw ang mga eksena ni Kate sa Unica Hija at minsan daw ay matagal daw niyang dalhin ang isang eksena lalo na kapag may kasama itong iyakan.

Prince, nagpa-billboard sa 18th birthday ni Althea

Dahil sa The Sparkle Spell Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center, nalaman ng netizens na nanliligaw kay Althea Ablan and Kapuso hunk na si Prince Cle- ­mente.
Marami ang nagulat sa regalo ni Prince kay Althea na isang malaking billboard sa EDSA Guadalupe para batiin ito noong 18th birthday last Oct. 9.
Pinost ni Althea sa Instagram ang photo niya kunsaan nasa background niya ang billboard at nilagyan niya ito ng caption na: “Thank you @princeclemente18 for making my day so special! Hindi ko inexpect to kilig to the bones. You made me feel special.”

Nitong nakaraang The Sparkle Spell Halloween Party, nag-couple costume sina Althea at Prince bilang characters ng Toy Story na sina Woody at Jessie.

Pinost naman ni Althea sa kanyang IG ang photo nila ni Prince na holding hands sila sabay pinapakita nila ang mga names na “ANDY” na nakasulat sa ilalim ng kanilang cowboy boots. May caption pa ito na: “Yee-haw! Giddy-up, partner! #TheSparkleSpell.”
Naalarma tuloy ang fans ni Althea at ng ka-loveteam niyang si Bruce Roeland. Paano na raw si Bruce kung meron na palang Prince si Althea?

vuukle comment

KATE VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with