^

Pang Movies

Rita, baby boy ang panganay!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rita, baby boy ang panganay!            

Congratulations to Kapuso actress-singer Rita Daniela. Kahapon ay nag-gender reveal na siya ng malapit na niyang isisilang na anak. Baby boy ang magiging baby ni Rita at binigyan siya ng baby shower at 27th birthday celebration ng mga kasama sa afternoon program.

Yasmien, ‘di makalimutan ang first encounter kay Bea

Sa red-carpet screening and mediacon na ibinigay ng GMA Network sa cast ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Start-Up PH, may mga kuwento ang cast members, na mukhang most of them ay first time lamang makakatrabaho ang isa’t isa. Like ni Yasmien Kurdi na fan daw siya ng bidang si Bea Alonzo, bago pa lamang siyang nag-aartista.

“First encounter ko kay Bea, naligaw ako papunta sa taping ko noon ng Bakekang, sa Baseco compound in Tondo,” kuwento ni Yasmien. “Hindi ko alam mayroon din palang ibang nagti-taping doon, kaya pagdating ko sa location, inayos ko na ang gamit ko, inihanda ko na ang tulugan ko at matutulog muna ako habang naghihintay. Then may gumising sa akin, sabi niya, hindi raw kami roon, para raw sa taping iyon ng Maging Sino Ka Man nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Nagulat ako, pero natuwa rin dahil nakita ko for the first time si Bea at hindi ko ikinaila na fan niya ako. May mga nagsabi pa ngang magkamukha raw kami ni Bea at papasa kaming magkapatid. At nangyari nga iyon ngayon, dahil magkapatid ang role namin dito sa Start-Up PH.”

Gabby, tuhog sa dalawang serye

Si Gabby Eigenmann naman ang nag-share ng story niya at pasasalamat dahil sa dalawang projects daw na ginagawa niya ngayon, matatapos niya ang ipinapagawa niyang bagong bahay ng family niya.

“Hindi ko in-expect na dalawang foreign collaboration ang gagawin ko,” sabi ni Gabby. “Una kong ginawa ang Voltes V: Legacy na isang Japanese production, while itong Start-Up PH ay isang Korean collaboration naman between GMA at SBS Studio of Korea. Sabi ko sa sarili ko, malaki pala itong dalawang projects ko, iba ang feeling ko. Hindi pa namin tapos na tapos ang Voltes V: Legacy. But itong Start-Up PH, ilang araw na lamang tapos na namin ang taping, where I play the role of the stepfather of Bea and Yasmien.

“Happy ako, dahil hidden fan ako nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Matagal ko nang wish na makatrabaho sila, siguro kung sila ang lilipat sa GMA, matutupad ang wish ko, at nagkatotoo nga dahil sila ang narito ngayon sa GMA at mga kapwa Kapuso ko na sila.”

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with