^

Pang Movies

Kim, pinatanggal ang vlog nila ni Andrea!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, pinatanggal ang vlog nila ni Andrea!                
Kim at Andrea

Kinailangang tanggalin ni Kim Chiu ang latest vlog na in-upload ng kanyang team sa YouTube channel niya kaya naman sa kanyang latest tweet ay humingi siya ng paumanhin sa kanyang followers.

Ayon kay Kim, nagdesisyon daw ang may hawak ng kanyang vlog na mag-release ng video nang hindi niya alam. “Hey guys! Need to down my vlog. yung may hawak ng youtube ko pala desisyon, naglabas ng vlog ng diko alam. oh no!!!! sorry about that,” tweet ni Kim.

Hindi naman ipinaliwanag ni Kim kung bakit niya tinanggal ang vlog pero sa comment section ay may mga nagsabing napanood na nila ang video at wala naman silang makitang masama rito.

May nagsabing kasama raw si Andrea Brillantes sa video at may nagbahagi naman na tungkol ito sa phone raid.

“Parang wala naman pong masama sa vlog mo po about sa phone raid. Ang saya kaya,” sey ng isang netizen. Komento naman ng isa, “wow kasama #AndreaBrillantes.”

Sabi naman ng isa pang nakapanood, “kaya nga ate,shock din ako na tga.abang ng vlog mo... pero thank u ate, nasama yung idol ko na si blythe sa vlog mo super saya te.”

Ang ibang fans ni Kim na hindi nakapanood ay na-curious at abang-abang na sila kung kailan ulit i-a-upload ang vlog.

Gina, itinangging naghihirap

Nilinaw ni Ogie Diaz na hindi naghihirap si Gina Pareño tulad ng pinalalalabas ng ibang nakapanood ng kanyang panayam sa beteranang aktres.

Na-interview ni Ogie si Gina para sa kanyang YouTube vlog na in-upload last week at dito ay naging emosyonal ang beteranang aktres at sinabing miss na miss na niya ang umarte’t nanawagan pa sa producers na kunin siya.

“Alukin naman ninyo ako. Kunin naman n’yo ko, sige na. Kasi ‘pag sa kuwarto ako aarte, alam mo sa kuwarto… aarte-arte ako, baka mauwi ako sa mental nito,” sabi ni Gina.

Dahil dito ay may mga nagkomento na naghihirap na raw si Gina kaya nais itong ikorek ni Ogie. “Ibig sabihin, miss na miss niyang magtrabaho pero hindi po nangangahulugan na naghihirap si Tita Gina Pareño,” paglilinaw ni Ogie.

Sey pa niya ay may pera raw si Gina at hindi naman totoong naghihirap na.

“Diyos ko, may pera rin si Tita Gina, no! May pera ‘yun, gusto niya lang talagang makakita ng mga ilaw-ilaw sa shooting o sa taping saka ng mga camera,” ani Ogie.

Dagdag pa niya, “’yun lang naman ‘yun, kasi nga nabubwisit ‘yung anak niya, si Raquel. Mali ‘yung intindi nila du’n sa interview. Na-misinterpret na naghihirap na si Tita Gina, hindi naman daw. Gusto lang magtrabaho ulit ni tita Gina.”

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with