^

Pang Movies

Kinumpirmang ama si Joaquin...dating Yorme Isko, ini-enjoy ang pagiging lolo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kinumpirma ni former Manila Mayor Isko Moreno na isa na siyang proud lolo sa kanyang panganay na anak na si Joaquin Domagoso.

Sa panayam sa kanya ng Modern Parenting, finally ay inamin na rin ni Isko na isa na ngang ama si JD (nickname ni Joaquin) tulad ng napapabalita.

“Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Ang pogi ng apo ko,” he said.

Lalaki ang kanyang unang apo na pinangalanang Scott.

Ayon pa sa dating That’s Entertainment member, talagang ine-enjoy raw niya ang kanyang pagiging lolo.

“Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God. Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities,” aniya.

Nang matanong kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya ng unang apo, aniya ay okay lang naman daw sa kanya na tawagin siyang lolo.

“It’s cool to be called Lolo. Okay ako doon,” aniya.

Sa ngayon ay masayang-masaya nga raw si Isko sa kanyang bagong chapter ngayong isa na siyang lolo. He’s enjoying his time with his family at sa kanyang first apo lalo pa nga’t mas marami na siyang oras ngayong wala na siya sa politics.

“It’s a God-given life. It’s a blessing. Growing up is a challenge and making a better life for everyone, your family, or even your apo is hard. But from another perspective, it’s a blessing. Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or two in this world,” pahayag pa ni Isko.

Rabiya, ‘di naniniwala sa sumpa sa lovelife ng beauty queens

Hindi naniniwala si Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na nagkakaroon ng curse sa lovelife ang beauty queens na nananalo sa beauty pageant.

“Naku, ilang beses na ‘yang binato sa ‘kin,” sey niya sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas.

Matatandaan kasing nag-break si Rabiya at ang non-showbiz boyfriend niya matapos siyang manalo sa Miss Universe PH. At ngayon naman, balitang-balita ring may problema sila ng current boyfriend na si Jeric Gonzales.

Paliwanag ni Rabiya, “’yung nangyayari kasi minsan, dahil nabi-busy ka na nga, nagiging iba na ‘yung priority list mo kasi nag-iiba talaga ‘yung buhay mo.

“Pero siguro, hindi naman siya nangyayari sa lahat. Paswertehan lang din talaga sa moment, pasu­wertehan din sa partner.”

Dagdag pa niya, “you know what, ‘yung ex ko du­ring that time, si Neil (Salvacion), he was so supportive. It was just mali lang din talaga ang timing.”

Magkaibigan pa rin daw sila ng kanyang ex. “’Yun naman ‘yung proud ako do’n na in times na kailangan ko ng tao, nandiyan pa rin sila bilang kaibigan para protektahan ako, para ipagtanggol ako. Kasi, overall, may pinagsamahan kayo, eh.

“And ‘yung ex ko, 7 years kami and never naman siyang may sinabing masama about me,” sabi ni Rabiya.

Sa estado naman ng puso niya, sumusumpa ang beauty queen na happy siya ngayon.

“My heart now, I’m happy. Totoo ‘to, Nelson, ha? My life is not perfect but overall, I am being supported by real people. And kahit anuman ‘yung nangyari sa buhay ko, parang na-realize ko na overall, I’m blessed.

“At hindi dapat ako mag-focus sa mga maliit na…” ani Rabiya.

Patuloy pa niya, hindi raw siya pwedeng ma-distract ngayon dahil marami siyang dapat gawin.

“Like new projects, the business, hindi ako pwedeng maging distracted. I need to move on, I need to move over, I need to move forward,” sey pa ng beauty queen.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with