Maja, magba-babu sa Bulaga?!
Tuloy pa rin si Maja Salvador sa Eat Bulaga kahit tapos na ang Dancing Kween segment last Saturday.
Kahapon, live na napanood si Maja sa opening ng Bulaga na nagsayaw kasama ng grand finalists ng Dancing Kween.
Nagpasalamat si Maja sa ibinigay sa kanyang segment ng noontime show na, “nagbibigay inspirasyon at pagkakataon sa lahat ng may pangarap.”
Maggie, ready to fight na!
Nagbigay ng update ang beauty queen-turned beauty queen Maggie Wilson sa confict niya sa kanyang estranged husband na si Victor Consunji.
Nag-post ng video si Maggie sa kanyang Instagram ng ginawang pagpakandado ng condo unit niya ng representative ng Victor Consunji Development Corporation.
Sa post sa IG ni Maggie, sinabi niyang tatlong oras siyang nakipag-meeting sa kanyang abogado. “I am ready to fight!” deklara ni Maggie!
- Latest