^

Pang Movies

Alden at Bea, magkasundo sa pagiging OCD!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Alden at Bea, magkasundo sa pagiging OCD!             

Magsisimula na ulit ang lock-in taping ng Start-Up Philippines dahil pabalik na ng Pilipinas ang bida na si Alden Richards.

Gumaganap si Alden bilang si Good Boy at si Bea naman ay si Dani. Sa original Koreanovela, ang lead star ay si Bae Suzy plays Dal Mi at Kim Seon-ho portrays Han Ji Pyeong or Good Boy.

Tungkol sa young entrepreneurs dreaming and working para maging successful ang pinakakuwento ng Start-Up.

Nasubukan na ang compatibility nina Alden at Bea sa unang lock-in taping nila. Dahil matagal silang nagkasama sa taping, nadiskubre ni Alden na pareho pala sila ni Bea na may OCD o ‘yung masyadong organized sa lahat ng bagay. “Organized kasi sa bahay din ‘yan si Bea eh. One of the things in common with us, parehas kaming may OCD. Gusto maayos, malinis ‘yung bahay, especially ayaw niyang nagagalaw ‘yung mga gamit na naayos na niya,” sey ni Alden.

Sumang-ayon naman si Bea: “Oo, umiinit ang ulo ko kapag marumi ang bahay, hindi ako makapag-isip nang tama.”

Pareho rin daw sila ni Bea na mas ginagawang priority parati ang pamilya. Gusto nilang laging nakikitang masaya ang kanilang pamilya.

Sey ni Alden: “When it comes to family, nako-compromise ang family or any issues within the family, I see how si B takes care of her family. If something’s wrong with family, I think ‘yun ang mga nagpapalungkot kay Bea. And that’s what we share in common.”

Sey ni Bea: “Oo tama. Kaya natutuwa nga ako na kinukuwento ni Alden na lagi pa rin siyang umuuwi sa Laguna. Kasi ako rin lagi rin akong umuuwi sa Zambales.”

Movie na napakawalan ni Sharon, ipapalabas na

Napapanood na ang official trailer ng pelikulang Easter Sunday na bida ang sikat na Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy o Joseph Glenn Herbert sa tunay na buhay.

Isang family comedy ang Easter Sunday na dinirek ni Jay Chandrasekhar na tungkol sa buhay ng isang struggling comedian at single father na dumalo sa Easter Sunday gathering ng kanyang loud and dysfunctional Fil-American family.

Binubuo ng Asian cast ang Easter Sunday at kasama rito ang sikat na Asian comedian na sina Jimmy O. Yang, Miss Saigon star Eva Noblezada, Lou Diamond Phillips, Eugene Cordero, Brandon Wardell, Lydia Gason, Rodney To, Hollywood comedian Tiffany Haddish at ang pumalit sa role ni Sharon Cuneta na si Tia Carrere.

Si Sharon ang original na kinuha para sa role na Tita Theresa at lumipad agad ito para sa shooting ng movie sa Vancouver, Canada na nakatakda noong May 3, 2021. Pero kinailangan na mag-dropout sa project si Sharon dahil sa false positive na COVID-19 test.

Hindi na bago sa Hollywood si Tia Carrere (Althea Rae Duhinio Janairo in real life). Nagsimula bilang singer at model si Tia bago siya nagbigyan ng big break sa American daytime soap opera na General Hospital. Nasundan ito ng sunud-sunod na malalaking Hollywood films at TV series tulad ng Wayne’s World, Wayne’s World 2, True Lies, Lilo & Stitch, Duck Dodgers, Curb Your Enthusiasm, Relic Hunter, Nip/Tuck and Netflix’s AJ and the Queen. Nanalo rin si Carrere ng dalawang Grammy Awards para sa kanyang Hawaiian albums na ‘Ikena at Huana Ke Aloha.

Nag-pose rin siya ng nude para sa January 2003 issue of Playboy.

Broadway legend na si Patti Lupone, tinalakan ang mga ‘di sumunod sa safety protocol

Nakatikim ng talak ang dalawang tao mula sa Broadway legend na si Patti Lupone dahil ayaw nilang ayusin ang pagsuot ng kanilang face mask habang nasa loob sila ng American Theatre Wing.

Ayon sa two-time Tony Award-winning actress, sinita na raw niya ang dalawa tungkol sa kanilang face mask habang nasa entablado siya para sa Broadway revival ng Company. Pero tumawa lang daw ang dalawa kaya lalong nag-init ang ulo ni Lupone. “Who do you think you are? Just put your mask over your nose. That is the rule. If you don’t want to follow the rules, get the f--- out!” talak pa ni Lupone.

Napilitan ang palabasin ang dalawa ng security dahil sa hindi pagsunod sa safety protocol ng venue.

Na-shutdown ang Broadway for 18 months dahil sa pandemic. Nagkasakit din si Lupone with COVID-19 kaya ayaw niyang maulit iyon dahil lang sa dalawang taong ayaw sumunod sa safety protocol ng venue.

Kahit na raw na-lift ang pagsuot ng mask sa New York City, required pa rin daw ang audience to wear a facemask inside theaters para maprotektahan ang actors, musicians, crew members and staffers na mahawa sa virus.

May reputation si Lupone na titigil sa kanyang performance kapag may isang audience na nakaka-distract sa performance nito.

Kilala si Lupone sa pagganap niya sa hit Broadway musicals na Evita, Gypsy, Les Miserables, Sunset Boulevard and Sweeney Todd.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with