^

Pang Movies

Sitcom ng DongYan, nagsimula lang sa bahay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagsimula lang sa bahay ang Jose and Maria nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na short series na Jose at Maria.

Lumaki na ito at naging sitcom, ang Jose and Maria’s Bongga Villa na mapapanood sa May 14, Sabado. Sa kuwento ng mag-asawa sa presscon, “Lilipat kami sa isang bahay at doon lalabas ang mga character. Doon iikot ang kuwento,” sabi ni Yan.

Sa dalawa, ‘di hamak na sanay sa comedy si Yan. Eh si Dong?

“Meron akong acting coach! Mahirap lalo na nung unang eksena. Sabi ko kay direk Mike (Tuviera), ‘Parang naiilang ako. Hindi ko alam kung nakakatawa ako.

“Inaalayan ako ni Marian na alam nating hasang-hasa sa ganito,” rason ni Dong.

Si Direk John Lapus ang napiling director ng sitcom.

“It’s such an honor. Hindi lang ito malaking responsibility, isang malaking pasasalamat. Pandemic. Nagkaroon ako ng trabaho.

“Sa rami ng director, ako ang napili ng producers. Literally, naiyak po ako!” sey ni John.

Bago mapanood na nagpapatawa sina Dong at Yan, napanood kagabi ang documentary na ginawa nila sa Israel. Ang Miss U: A Journey To The Promised Land.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with