^

Pang Movies

Mga artista aligaga na sa kampanya…

Gorgy Rula - Pang-masa
Mga artista aligaga na sa kampanya�

MANILA, Philippines — Ang mga artista ang aligaga ngayon sa pag-iikot para tulungan sa pangangampanya ang mga sinusuportahan nilang kandidato.

Bukod kay Vice President Leni Robredo na karamihan ay Kapamilya artists ang nangangampanya, bongga rin ang suporta ng karamihan sa mga taga-Ang Probinsyano para sa AP Partylist ni Cong. Ronnie Ong.

Naging close sina Cong. Ronnie at Coco Martin na sinasabi niyang parang magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa.

Kaya habang naka-break sa taping ang Ang Probinsyano, laging kasama si Coco sa pag-iikot ng AP Partylist sa iba’t ibang lugar, kagaya ng Cebu, Pangasinan, Tondo at marami pa.

Sumasama rin si Yassi Pressman, Julia Montes, Angel Aquino, John Prats, Raymart Santiago, Michael de Mesa, at marami pa.

Sabi nga sa amin ni Cong. Ronnie, sana nga raw kasama na nila ang buong cast ng AP, pero may kanya-kanya namang sinusuportahan ang iba.

Solid din ang suporta ng ilang stars sa isa pang partylist, ang Buhay Partylist na kung saan first nominee dito si Von Valdepenas.

Ilan sa celebrities na sumusuporta sa Buhay Partylist ay sina Janice de Belen, Miriam Quiambao, Dianne Medina, Nicole Donesa, Jeffrey Santos, Maxine Medina, Arny Ross, Jan Marini, DJ Jai Ho, Inah de Belen at celebrity athletes na sina Melissa Gohing at Peter June Simon.

Sila ay naniniwala sa adbokasiya ng Buhay na pro-life at pro-God.

Ang isa pang nagulat ako ay si Melanie Marquez na kasama rin pala sa tatlong nominees ng isang partylist.

Hindi ko lang maalala kung anong partylist ito, dahil hindi pa namin naramdaman ang pangangampanya niya.

Samantala, todo rin ang suporta ng ilang basketball pla­yers sa kandidatura ng legend sa basketball na si Alvin Patrimonio.

Tumatakbong alkalde ng Cainta, Rizal si Alvin kasama ang dating broadcaster na si Mon Ilagan bilang Vice Mayor nito.

Sabi ni Alvin nang humarap ito sa ilang miyembro ng movie press, matagal daw niyang pinag-isipan kung tatanggapin ba niya ang matagal nang inaalok sa kanya na pasukin ang pulitika.

Nang binasbasan na raw siya ng kanyang ina, saka niya napagdesisyunang tumakbo, lalo na’t alam niyang marami pa raw problema sa Cainta na kailangan talagang harapin.

Thankful naman si Alvin dahil karamihan sa mga kaibigan niya sa basketball ay susuportahan siya.

“Lahat po ng legends, mga active players gusto pong sumuporta. Kaya lang po, ngayon po galing pa sa championship ang ibang teams,” saad ni Alvin Patrimonio.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with