^

Pang Movies

Vice, nagsalita sa paghahabol ng franchise kaya sumali sa kakampink!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Vice, nagsalita sa paghahabol ng franchise kaya sumali sa kakampink!

Nagsalita si Vice Ganda na hindi franchise sa ABS-CBN ang hinahabol nila kaya nila sinusuportahan si VP Leni Robredo sa pagka-presidente.

“Para lang sa kaalaman po ng nakararami. Wala na ho kaming hinahabol na prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila iyan ng ilang dekada na,” na ang tinutukoy ay Channel 2, Channel 16, Channel 23 and Channel 43 na naipagkaloob na sa iba ang frequency.

“Wala na hong in-apply na franchise ang ABS... wala po. So malinaw ‘yun ha? Sa mga shunga-shungahan na mga troll.

“ABS is no longer after any franchise, okay. Ganun yon! Shunga kayo,”  buwelta ni Vice sa ere sa mga nag-react na kaya todo lang ang pagsuporta nila kay presidential aspirant Leni Robredo ay para maibalik sa kanila ang nawala nilang franchise.

Nauna na ring bumuwelta si Vice sa aniya ay troll na kakilala niya “Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e.

“So, ‘yon ‘yung ng effect, ginawa niya ‘yun, kumapit siya dun kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya.

“Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, ‘di ba?

“Masakit man, pero ‘yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin ‘yun, ‘di ba?

“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice.

“Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga ‘yung mga post niya... tapos nalaman namin troll pala siya.”

“Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera ‘yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga,’ tapos umabot na siya…

“E, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?”

At kahit walang binanggit na pangalan si Vice, nag-react dito si Juliana Segovia.

Sa kumalat na palitan nila ng messages ni Direk Darryl Yap: “Iniisip ko nga hanggang ngaun..ni isang beses wala sa knya o sa mga kadikit n’ya ang hiningan ko ng gcash kahit singkong duling…

“nung wala akong pera at trabaho nag-online ukay-ukay ako sa FB Live…nagtinda ako ng pares at mami..pero never ako nanghingi sa kanya o sa knila.”

Tanong ni Darryl, “Sigurado ka?”

Sagot ni Juliana, “Siguradong-sigurado ako Direk..Never akong nanghingi sa knya. Kht minsan sinasabi sakin ng mga bkla lumapit ako sa knya never ko ginawa.

“Unang-una nahihiya ako dahil alam ko hindi nmn kmi ganon ka-close kaya bat ako hihingi..”

Sagot ng kontro­bersiyal ding direktor, “Kung gayon, wag ka nang magpaapekto. Iniisip nya na kalaban ka nya…You are the size of your enemy.”

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with