^

Pang Movies

Anjanette, naimpluwensiyahan ng asawang pastor!

RATED A - Pang-masa
Anjanette, naimpluwensiyahan ng asawang pastor!

Sobra kaming nag-enjoy sa aming two-week vacation sa Los Angeles, California, USA dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na makita, makausap at makasama  ang ilang Filipino celebrities na doon na naka-base tulad nina Donita Rose, Anjanette Abayari, Jobelle Salvador, Tootsie Guevarra, Princess Punzalan at Bunny Paras.

Si Jobelle ay sa Las Vegas, Nevada naka-base pero nagkita kami sa ika-71st birthday party ni Dr. Cesar Jimenez, husband ng dating choreographer-dancer ng Disc Corporation na si Chato Sugay-Jimenez kung saan din dumating ang dating miyembro ng That’s Entertainment, ang actress na si Bunny Paras, ang nakababatang kapatid ng aktres na si Sharmaine Arnaiz. 

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang pamangkin ng yumaong media icon na si Ricky Lo na si Raymond Lo maging sina Oliver Carnay, Rhy Deles at iba pa. Muli kaming nagkita ni Jobelle sa Las Vegas, Nevada kung saan ito naka-base. We had dinner sa Rio Hotel kung saan kami nag-stay kasama ang mag-asawang Dr. Cesar at Chato. Sinamahan din kami ni Jobelle mag-shopping sa Vegas gamit ang kanyang Maserati luxury car.

Back in LA, sinamahan kami ng aming anak-anakan na si Rhy Deles sa mansion ni Anjanette Abayari in Corona, California with her pastor husband na si Gary Pangan kasama ang dalawang anak ng (dating) beauty queen-actress.

Si Anjanette ay larawan ngayon ng isang contented, peaceful and happy wife. She considers herself a changed person dahil sa kanyang pagiging malapit sa Diyos at malaki ang impluwensya sa kanya ng kanyang mister na siyang tumatayong father figure sa kanyang dalawang anak.

Although hindi ikinakaila ni AJ na nami-miss niya ang showbiz sa Pilipinas, masaya na umano siya sa kanyang kalagayan ngayon kasama ang kanyang husband na si Gary and her talented sons na sina Aiden at Ashton. “I cannot ask for more,” aniya.

Donita, nilantad ang rason kung bakit pumatol sa mas bata

Walang alinlangan na in-love na naman ang Fil-Am actress-host at dating MTV Asia VJ na si Donita Rose matapos maaprubahan ang divorce nila ng kanyang ex-husband na si Eric Villarama nung December 2016. Ang dating mag-asawa ay may isang anak, ang 17-year-old na si Joshua Paul or JP.

On the rocks na ang marriage ni Donita nang ito’y magbalik-showbiz in 2015 at inamin lamang niya ang kanilang paghihiwalay nung July 2016. Habang nasa Pilipinas ay nag-aral siya ng culinary course na nagagamit niya ngayon sa Amerika. It was in August 2020 sa kalagitnaan ng pandemya nang magdesisyon ang actress-host at dating miyembro rin ng That’s Entertainment na mag-relocate sa Amerika dahil nagiging miserab­le na ang kanyang buhay sa Pilipinas dahil sa kawalan ng trabaho.

Kung dati-rati’y siya ang tumutulong sa kanyang pamilya, this time, ang kanyang ina at nakababatang kapatid na si Paul Cavett (na sumubok din noong mag-artista sa Pilipinas) ang tumulong sa kanya na muling makapagsimulang muli sa Amerika.

Ang kanyang pagiging chef ay nagamit niya nang siya’y magsimulang magtrabaho sa Mandalay Bay Hotel in Las Vegas, Nevada at saka siya lumipat ng LA nang siya’y maging corporate chef ng Island Pacific, isang supermarket chain in California at Nevada na pag-aari ng Filipino-Chinese businessman na si Nino Lim, ang mister ng dating aktres na si Krista Ranillo. Kasama rin sa trabaho ni Donita ang dati ring actress-host sa Pilipinas na si G Tongi.

Almost six years matapos maaprubahan ang divorce ni Donita sa kanyang ex-husband na si Eric Villarama ay nakilala naman niya ang kanyang present boyfriend, ang Filipino singer na si Felson Palad na 10 years younger sa kanya. Ang dalawa ay nagkakakilala sa isang event last February 2022. Naging pursigido si Felson sa kanyang panliligaw kay Donita hanggang maging sila. Ipinakilala na ni Donita si Felson sa kanyang pamilya at gayundin ang huli sa kanyang pamilya.

 Ang isa sa mga katangian na nagustuhan ni Donita sa kanyang kasalukuyang boyfriend ay ang pagiging mabait at malapit nito sa Diyos.

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with