^

Pang Movies

Seth mas kinampihan kesa kay Andrea   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Seth mas kinampihan kesa kay Andrea            

“Wala po akong galit.” Ito ang pahayag ni Seth Fedelin hinggil sa relasyong Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Sinabi ito ni Seth sa kanyang Instagram Live last Sunday night, isang araw matapos maging official couple sina Andrea at Ricci.

Ayon kay Seth, nag-IG Live siya para ipagtanggol ang kanyang kaibigan. Hindi na nagbanggit ng pangalan ang young actor but obviously ay ang ka-loveteam na si Andrea ang tinutukoy.

Nakakatanggap kasi ngayon ng backlash si Andrea dahil sa pagkakaroon ng ibang boyfriend gayung sila nga ni Seth ang magka-loveteam.

Kaya naman talagang lumabas si Seth para depensahan si Andrea at sabihin ang kanyang tunay na saloobin.

“Guys, kasi ‘yung mga nababasa ko, parang unfair po. Napaka-unfair dahil wala po kayong alam. Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala po tayong karapatan na banggitin. Kahit po ako, wala pong karapatan magbanggit ng mga ganoong salita,” ang simula ng young actor.

“Ako mismo, para lang din alam n’yo guys, ako po ay alam ko kung ano ang talagang nangyari. Alam po namin kung anong nangyari. Alam po ng kaibigan namin kung anong nangyari. Kaya ito, hindi ko na natiis talaga kasi sobra na po. Nawawalan na tayo ng respeto. Hindi na po tama yun. Hindi deserved ng kaibigan ko na makarinig ng ganu’ng salita, ganu’ng mga pekeng balita,” patuloy niya.

Bagama’t walang pangalang binanggit si Seth from start to end ng kanyang statement, obvious na obvious naman na si Andrea ang “kaibigang” kanyang ipinagtatanggol.

Nilinaw din ng aktor na wala siyang galit and in fact, happy siya for Andrea.

 “Ako po, wala po akong galit. Ang mayroon po ako tuwa dahil deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng ganung bagay, ipagsigawan siya sa publiko.

“Kaya happy po ako. Wala po akong anything negative na nararamdaman. Dahil alam ko po ang totoo guys. Kami po ang nakakaalam ng totoo,” aniya.

Idiniin din ni Seth na suportado niya ang relasyon nina Ricci and Andrea.

“Suportahan na lang po natin, huwag na tayong sumira. Hindi po tama yun. Dahil ako po mismo, suportado ko silang dalawa,” aniya.

“Walang dapat madehado dito guys kasi alam namin yung totoo. Kaming dalawa yung may alam kung ano yung totoo. Kayo wala kayong alam, wala kayong idea.

“Kaya ‘wag po tayong magbanggit ng ano, tama na kasi hindi po tama lalo na po’t babae. Parang wala naman tayong respeto sa mga nanay natin,” pahayag pa ng young actor.

Hanggang sa huli ay paulit-ulit ang pakiusap ni Seth na huwag nang manira at sa halip ay suportahan na lang ang kaibigan.

In fairness, habang nagsasalita si Seth ay wala ka naman talagang makikitang galit or bitterness sa kanya at mukhang genuinely happy siya talaga for Andrea.

At talagang pinahanga kami ng aktor dahil he really went out of his way para ipagtanggol si Andrea at protektahan ang kanilang loveteam.

vuukle comment

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with