^

Pang Movies

Bida ng Crash landing..., kasal na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Whooaa, kasal na sina Hyun Bin and Son Ye-jin ng Korean drama na Crash Landing On You. Pribado ang naging kasalan at dadalawa ang official photos na inilabas ng kanilang management group sa media.

Ibang-iba sa mga ikinakasal na artista natin na mga naka-live streaming pa.

 Wish lang ng fans nila na hindi sila matulad kina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, na pagkatapos ng kasal ay mabilis ding naghiwalay.

Trending ang nasabing kasalan lalo na sa Pinoy fans na tagos ang naging kilig sa kanilang tambalan sa Crash Landing On You.

Maging sina Marian Rivera at Kathryn Bernardo ay napa-post sa nasabing kasalan.

May pinalalabas na series ngayon si Son Ye-jin, ang Thirty-Nine na kuwento tungkol sa magkakaibigan. Ang ganda ng story pero ang lungkot dahil nang dumating sila sa edad 39 na single pa nagkaroon sila ng kanya-kanyang struggle.

Bruce Willis, titigil na sa pag-aartista

Ang ex-wife ni Bruce Willis na si Demi Moore ang isa sa mga nagbigay ng statement sa social media na titigil na ang Armageddon actor sa kanyang career dahil sa sakit nitong aphasia.

“To Bruce’s amazing supporters, as a family we wanted to share that our beloved Bruce has been experiencing some health issues and has recently been diagnosed with aphasia, which is impacting his cognitive abilities. As a result of this and with much consideration Bruce is stepping away from the career that has meant so much to him.

“This is a really challenging time for our family and we are so appreciative of your continued love, compassion and support. We are moving through this as a strong family unit, and wanted to bring his fans in because we know how much he means to you, as you do to him.

“As Bruce always says, “Live it up” and together we plan to do just that.

“Love,

“Emma, Demi, Rumer, Scout, Tallulah, Mabel, & Evelyn.”

Ayon sa mayoclinic.com “Aphasia is a condition that affects your ability to communicate. It can affect your speech, as well as the way you write and understand both spoken and written language.”

Samantala, nabanggit naman ni Angel Locsin sa vlog ng katotong si Ogie Diaz na wala muna sa plano nila ng mister niyang si Neil Arce ang baby dahil sa kanilang health issues.

Ayon kay Angel, diagnosed siya with Hashimoto’s disease at kasalukuyan siyang under medication. Habang si Kris ay walang update kung ano na ang health status niya sa kasalukuyan na kamakailan nga ay dinalaw ni Angel.

May third Xolair injection pa raw si Kris bago makaalis ng bansa para magpagamot sa Amerika.

Unang ibinunyag ni Kris noong 2018 na siya ay na-diagnose na may chronic spontaneous urticaria, isang autoimmune disease na nagdudulot ng pamamantal.

Since then ay hindi na siya tinigilan at sinasabing hindi naman daw urticaria ang kanyang sakit kundi ‘artecaria’ na pinalabas ng ibang bashers niya na umaarte lang kahit nakikita na kung gaano na ito kapayat sa kasalukuyan.

May mga doctor daw kasing nagsasabi na parang nasa isip na lang ni Kris ang kanyang sakit dahil lahat na diumano ng checkup ay nagawa na sa kanya pero lahat daw negative ang resulta.

vuukle comment

CRASH LANDING ON YOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with