^

Pang Movies

Tracy, ligwak sa Miss World

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tracy, ligwak sa Miss World

Ligwak ang bet natin sa Miss World na si Tracy Maureen Perez. Ang kinatawan ng Poland na si Karolina Bielawska ang tinanghal na bagong Miss World na ginanap sa Puerto Rico.

Lumanding lang hanggang Top 12 si Perez. Runners-up naman sina Olivia Yace ng Cote D’Ivoire at si Shree Saini ng United States.

Jeric at Rabiya,sa Wish...nag-umpisa

Nakabingwit ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales ng isang beauty queen turned actress sa katauhan ni Rabiya Mateo, Miss Universe PH.

Yes, ibinalandra na nina Jeric at Rabiya sa kanilang Instagram ang relasyon nila. May pictures din sila nang magtampisaw sa Bohol!

Nagkasama sa isang episode ng Wish Ko Lang sina Jeric at Rabiya last November. After ilang buwan, in a relationship na sila, huh!

Sheryl, magpapakamartir sa MPK

Bagong episode naman ang mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailanman. Illegal Wife ang title ng episode na pinagbibidahan nina Sheryl Cruz at Gary Estrada.

Kuwento ito ng isang babaeng akala niya eh suwerte siya sa pagkakaroon ng mabait na asawa kahit hindi niya mahal. ‘Yun nga lang, nang mamatay ang asawa niya eh hindi pala siya ang legal wife nito.

Hindi naman magpapakaimpakta si Sheryl sa episode ng MPK gaya ng character niya sa Prima Donnas 2, dahil martir siya this time, huh!

vuukle comment

TRACY MAUREEN PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with