^

Pang Movies

Ultimate Bidaoke star, naaligaga sa pagkahimatay ng tiyahin

Gorgy Rula - Pang-masa
Ultimate Bidaoke star, naaligaga sa pagkahimatay ng tiyahin

MANILA, Philippines — Nag-brownout nung Sabado ng gabi. Kasisi­mula lang namin panoorin ang The Kantastic Finale ng Sing Galing, pero biglang nawalan ng kuryente. Ito ay pagkatapos naming panoorin ang performance ng Probinsyanang si Mari Mar Tua.

Galit na galit din ang kasambahay namin, dahil na-miss din niya ang Agimat ng Agila na gumaganda na rin ang takbo ng kuwento.

May naka-text lang ako na tumutok sa finals ng Sing Galing na sinabing si Mari Mar pala ang nanalo.

Pinanood ko na lang sa YouTube at naka-face off pala niya ang magaling ding si Myca Capili. Pero si Mari Mar nga ang itinanghal na Ultimate BidaOke Star.

Pero ang ultimate na bida sa finals na iyon ay ang pagkahimatay ng ina ni Mari Mar. Pagkatawag ng winner, nag-akyatan sa stage ang buong mag-anak ni Mari Mar, pero biglang hinimatay na ang kanyang tiyahin.

Hindi na maintindihan ng probinsyanang singer kung alin ang uunahin niya. Ang pagkuha ng trophy o ang tiyahin niyang pinagtulungan na ng ibang kamag-anak at medics.

Halatang pinigilan lang nina K Brosas at Donita Nose na matawa sa nasaksihang drama sa taas ng stage. Sinikap pa ni Randy Santiago na takpan ang eksenang iyon, pero paulit-ulit na sinasabi ni Mari Mar, “ang nanay ko!”

Bandang huli ay medyo napakalma na at sinabi rin ni K na okay na ang kalagayan ng tiyahin ni Mari Mar.

Nagawa pa rin ng champion na kumanta sa ending ng programa.

Karamihan sa mga reaction na nababasa namin sa finale nito ay mas gusto nilang manalo si Myca.

Sa kanilang face-off na kung saan sunud-sunod na kinakanta nilang lumalabas sa videoke, magaling talaga si Myca.

Pero malaki rin ang puntos ng boto sa Facebook at maaaring doon lumamang si Mari Mar.

Ganundin din daw ang nangyari sa Sing-lebrity challenge na kung saan nagtapat sina Aljur Abrenica at Patrick Quiroz, malakas daw talaga ang laban ni Aljur, pero natalo siya ni Patrick sa Facebook votes. Todo naman kasi ang campaign ni Patrick sa kanyang fans, kaya lumamang na siya sa online voting.

Sa darating na linggo ay papasok na ang Sing Ga­ling sa year 2 at nadagdag sa mga hurado o Jukebosses ay sina Ariel Rivera at Jona.

Sabi ni Rey Valera, malaking bagay talaga ang suwerte sa ganitong labanan.

‘Pag matapat sa iyo ang kantang hindi mo gaanong nakasanayan kantahin, posible kang matalo kahit napakagaling mong singer.

Chair Liza, nilinaw na ‘di co-terminus si PRRD

Hindi maiwasang may ilang kumokontra at tumataas ang kilay sa pagka-reappoint kay Liza Diño-Seguerra bilang Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.

May nagsasabing hindi naman puwede iyon lalo na pagdating sa pagpalit ng administrasyon.

Siyempre, bagong presidente mababago ang line-up ng cabinet officials.

Pero nilinaw sa amin ni Madam Liza na hindi siya co-terminus ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Allowed daw talaga silang ma-reappoint pagkatapos ng term ng kanyang posisyon.

Ani Madam Liza nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes; According to the law ang RA 9167, ang chairperson ng FDCP is eligible to two consecutive terms.

Pero kung sino man ang manalong presidente, puwede naman siyang palitan kung gusto ng bagong pangulo, pero nasa batas na puwede siyang i-reappoint at hindi siya co-terminus ng isang pangulo ng bansa. “Sa FDCP, hindi siya co-terminus. It says there, it’s a fix term kung three years o hold over o another term naman is another three years,” dagdag niyang pahayag.

Marami ang pabor at natuwa sa reappointment ni Diño, kaya nagpapasalamat siya sa suporta. Pero may ilan ding hindi natuwa. “Sa mga hindi natutuwa or they against it, I respect where they’re coming from.

“Kanya-kanya tayo ng mga opinyon sa mga bagay-bagay. And sana they’ll give us a chance for us to be able to serve pa na mas maayos,” saad ng reappointed FDCP Chair.

Pinagpupursige niya ngayong matuloy ang Pista ng Pelikulang Pilipino na balak nilang i-schedule ng buong buwan ng September.

vuukle comment

LIZA DIñO-ESGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with