^

Pang Movies

Ellen, panay ang semplang sa Africa

Gorgy Rula - Pang-masa
Ellen, panay ang semplang sa Africa

MANILA, Philippines — Natuloy na rin ang honeymoon ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa Africa.

Ang saya ng posts nila nang umalis sila nung nakaraang linggo kasama si Elias.

Iyon naman talaga ang goal nila na makasama ang bagets dahil tiyak na mai-enjoy raw nito ang Safari.

Hindi lang sure kung abot sila ng dalawang linggo roon dahil sa Tanzania lang sila pumunta.

Pupuntahan nila ang Mt. Kilimanjaro, at ang regional park sa Tanzania na Serengeti.

Nag-post ang mag-asawa sa unang araw nila sa Tanzania, at sinabi ni Ellen sa isang kaibigan nila na unang araw pa lang daw nila roon ang dami ng semplang.

Pero sabi naman ni Derek na okay lang ‘yun at bahagi ‘yun ng biyahe nila.

Ang mahalaga ay nai-enjoy nila ang natu­rang bakasyon, lalo na si Elias na kitang-kita rin ang excitement.

Wish ng halos lahat na friends ni Derek ay makabuo na sila roon ang baby nila ni Ellen.

Sinabi noon ni Derek na baby boy ang gusto niyang panganay nila ni Ellen, pero girl naman ang type ng aktres.

Kathryna, hindi ipinagdamot ang sariling gatas

Naalala ko ang ilang tsikahan namin noon ni Pauleen Luna na nanghinayang siya na sandali lang daw niyang napa-breastfeed si Talitha.

Parang mahigit isang buwan lang daw siyang nagpa-breastfeeding dahil sa nawalan agad siya ng gatas.

Achievement sa isang ina na napa­dede mo sa iyong anak ang sariling gatas.

Kaya isa rin ito sa ikinalungkot ng misis ni Sen. Koko Pimentel na si Kathryna Yu-Pimentel nung pagkatapos niyang iluwal ang first baby nila ni Sen. Koko, hindi niya mapadede agad ng kanyang gatas dahil positibo pa siya noon ng COVID-19.

Mabuti at kapapanganak lang daw ng sister niya noon, kaya ito muna ang nagpa-breastfeed sa kanyang anak.

“Kinuha siya ng mommy ko. Less than 44 hours, sabi ng doktor sa mom ko, ‘Kunin niyo na, kasi negative naman sa COVID.’

“So, swinab siya, newborn. So, nung negative siya, sabi, ‘Kunin niyo na po, para hindi na ma-expose sa ospital.’

“E, timing, ‘yung sister ko, kakapanganak lang din, so humingi kami ng breast milk sa sister ko,” pahayag ni Kath Pimentel ng PDP Cares Partylist na pinangungunahan niya.

Mabuti at may sapat naman siyang gatas. Kaya nang puwede na niyang ma-breastfeed si baby Helena, ikinatuwa niya ito dahil sa umabot din daw ng isang taon at anim na buwan niya itong napa-breastfeed.

Sa tingin nga ni Kath, may dalang antibodies ang gatas ng isang inang nagka-COVID kaya ang healthy raw ng baby nila ni Sen. Koko.

Itong Women and Children Rights ang isa sa gustong tutukan ni Kathy Yu-Pimentel ng kanyang PDP Cares Partylist. “Always protect, prioritize, and promote the rights of women, especially pregnant women, and children, especially the unborn children.”

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with