^

Pang Movies

Kuya Kim, umaapaw ang energy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hanga ako sa energy ni Kim Atienza. Parang ang dami-dami niyang ginagawang trabaho, at siksik na siksik ang oras niya. Bukod kasi sa mga programa niya, isali mo pa ang research na ginagawa niya para rito. Totoong mahal niya ang trabaho niya dahil parang wala siyang kapaguran ‘pag para sa trabaho niya.

Ang dami mong matututuhan sa mga trivia na ginagawa niya, very pleasant pa ang personalidad niya sa screen kaya naman siguro laging mataas ang rating ng mga show niya. Good choice siya na isama sa mga top rating program dahil tanggap siya ng manonood lalo na ‘pag nagbibigay na siya ng trivia.

The fact na very close si Cong. Lito Atienza sa showbiz writers kaya para na ring anak ng showbiz si Kim Atienza na talagang walang hilig sa pulitika kaya sa TV napunta. Congrats, Kim Atienza, bongga ka.

Showbiz, wala masyadong ganap

Parang walang excitement ngayon ang mga balita sa showbiz dahil nga sa mga walang bagong project o serye na ginagawa. ‘Yung binatukan ni Joshua Garcia si Yassi Pressman, ‘yung nasa maliit na bahay na lang nakatira si Angeline Quinto, mga kung anu-ano na lang dahil nga parang walang excitement na nagaganap.

Exciting na nga na makita na nababawasan na ang timbang ni Sharon Cuneta, na pagbalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime magbabagong anyo siya mala-Audrey Hepburn, at ‘yung kasal nina Vice Ganda at Ion Perez. Talagang mabuti na lang at credible tabloid ang Pilipino Star NGAYON at Pang Masa kaya nagagawa niyong malagyan ng slant ‘yung balita para maging essential, hah hah.

Ang galing nga ng movie section ng PSN at PM dahil talagang suportado ng readers ang clean at fair na reporting nito. Saka in fairness, credible ang showbiz writers ni Salve kaya alam mo na una sa balita at walang fake news.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with