^

Pang Movies

Miles, napiling ultimate leading lady ni John Lloyd

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Miles, napiling ultimate leading lady ni John Lloyd
Miles.

Nabanggit na dati ni John Lloyd Cruz na makakasama niya this Christmas ang anak na si Elias dahil sa kanya magpa-Pasko ang anak. Hindi na nito nabanggit kung hanggang ilang araw si Elias, ang tiyak, masayang magkaka-bonding ang mag-ama.

Bago ang Pasko, napanood namin ang isang video nang bisitahin ni Elias si JLC sa set ng Happy ToGetHer na premiere na bukas, 7:40 p.m. sa GMA. Ang cute ni Elias na nakatirintas ang mahabang buhok at may back pack na naglalaman siguro ng mga gamit niya. Ang tatak ng back pack ay Spider Man na favorite ni Elias.

Anyway, sa interview sa Unang Hirit, natanong si JLC kung sino ang kanyang ultimate leading lady? Maganda ang sagot ng aktor kahit walang binanggit na pangalan.

“Mahirap na sigurong magsabi ng isang pangalan when you say ‘ultimate leading lady.’ Lahat sila may angking husay, talino at galing.”

Binanggit ni JLC ang kasama sa sitcom na si Miles Ocampo na sa tingin daw niya ay talagang ultimate leading lady. Naniniwala ang aktor na pag-aagawan ng leading men sa kanilang generation si Miles.

Hindi si Miles ang kapareha ni JLC sa sitcom dahil kapatid niya ang role nito sa sitcom na mula sa direction ni Bobot Mortiz.

Hikaw ni Marian, napresyuhan na naman!

Kagaya sa Christmas last year, sa bahay lang nila sa Makati magpa-Pasko sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, two Christmases nang hindi nakakabisita sa mom ni Marian sa Cavite dahil nga sa COVID-19 pandemic. Pinayuhan siya ng mom niya na ‘wag na silang pumunta ng Cavite, pero sabi ni Marian, titingnan pa rin nila at kung puwede naman silang pumunta ng Cavite, gagawin nila.

Sa nakaraang mediacon ni Marian, nabanggit na magkatulong sila ni Dingdong na gagawa ng list ng dishes na kanilang iluluto at ihahanda sa Pasko. Hindi mawawala ang Menudo na ipinangako niya kay Dingdong kahit noong nasa Israel pa sila.

“Reward ko ‘yun sa kanya sa all out na pag-aasikaso niya sa akin sa Israel na kahit sinabi kong kaya ko naman, ayaw pa rin niyang pumayag. Nagpapasalamat ako sa asawa ko at bilang pasasalamat, nag-promise ako na lulutuan ko siya ng Menudo,” sabi ni Marian.

Speaking of Marian, heto na nga, prinesyuhan ang suot niyang diamond earrings sa coronation night ng Miss Universe 2021. Lalong nag-glow si Marian dahil sa suot na hikaw na nalaman ng na gawa ng Janis Fine Jewelry.

Nakausap diumano ng isang taga-entertainment website ang isang taga-Janis Fine Jewelry at nalamang mayroon itong “five total carat weight and is about 11.98 grams placed on an 18l white gold  Hongkong setting.”

Ang estimated value ng hikaw na suot ni Ma­rian ay mula sa P750,000 to P1M.

Naalala namin, hikaw lang ang suot ni Marian that time, wala siyang necklace, pero ang regal ng kanyang dating.

Gladys at pamilya, sa Baguio nag Pasko

Sa latest post ni Gladys Reyes, nasa Baguio City kasama ang pamilya at noon lang daw sila nakabalik sa Baguio after almost a decade. Kita ang tuwa kina Gladys na muli silang nakarating ng Baguio at masasabing isa na ito sa Christmas gift sa kanya.

Isa pang Christmas gift kay Gladys ay ang makagawa ng pelikula sa direction ni Brillante Mendoza na pinagbibidahan ni Coco Martin. May pamagat na Apag (Hapag) na isang Kapampangan film.

“First time to work with both of them and I must say, truly a memorable experience, definitely one for the books! Enjoyed talking and hearing stories from Coco in between takes. I admire how humble and hardworking he is. Looking forward to our next shooting days. Grateful to you Lord for this.”

Kasama rin sa cast sina Gina Pareño, Senator Lito Lapid, Julio Diaz, at Jaclyn Jose at iba pa. Dahil karamihan sa cast ay nasa cast ng Ang Probinsyano, inakalang guest sa action drama series ni Coco si Gladys.

Samantala, nag-last taping na for the year ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, next year na ang resume ng taping nila.

Alden, pinagtalunan ng fans kung nasaan

Hindi magkasundo ang fans ni Alden Richards kung nasaan siya sa pinost niyang photo habang kumakain. May nag-comment na ang location niya sa larawan ay Silicon Valley sa San Jose, California, pero may kumontra dahil nasa Cocola Bakery sa California raw si Alden.

Hindi na mahihirapan ang fans ni Alden sa places na pinupuntahan niya sa Amerika dahil ang fans niya based in California na ang mag-a-update.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with