^

Pang Movies

Edu at Cherry Pie, nagpakilig sa X-mas special ng Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Edu at Cherry Pie, nagpakilig sa X-mas special ng Kapamilya

Kabilang ang new showbiz couple na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano sa host ng Christmas Special ng ABS-CBN na umere noong Sabado. Ramdam ng viewers ang love sa dalawa na magkatabi lang naman at nabanggit na mas masaya pa rin ang Pasko sa bansa dahil love nating mga Pinoy ang kumanta at sumayaw.

Kinilig ang viewers nang sabihin ni Edu na “Actually, tuwang-tuwa ako kapag nakikita kitang sumasayaw, kumakanta. Wala kang katulad. Bukod tangi ka.”

Ang ganda ng ngiti ni Cherry Pie na sinagot si Edu ng “Hay naku, good-looking, okay na. Bolero.”

Sa series ng ABS-CBN na Marry Me, Marry You mas nagkakilala sina Edu at Cherry Pie hanggang magkaibigan. Hiwalay na parents ni Paulo Avelino ang kanilang mga role, in real life, very much in love ang dalawa at ang maganda, walang kumokontra sa kanilang relasyon.

Maricel, pinilit ni Donny sa Mano Po

Pinag-uusapan sa isang website ang hairdo ni Maricel Laxa sa trailer ng Mano Po Legacy: The Family Fortune dahil nakataas ang gitna ng buhok ni Maricel. Tanong ng mga Pinoy sa Chinoy na kanilang ka-chat kung ganoon daw ba talaga ang buhok ng mga Chinese?

Sabi ng tinanong, hindi ganoon ang normal na buhok nilang mga Chinese, baka raw may eksena na party sa Mano Po Legacy, kaya ganu’n ang ayos ng buhok ni Maricel.

Ang dami pang tinanong tungkol sa tradisyon at kultura ng mga Chinese ang non-Chinese na nasa website na sinasagot naman ng Chinese na kanilang ka-chat. Ang ending ng tsikahan online ay panonoorin nila ang Mano Po na world premiere sa Jan. 3, 2022 para may mga madiskubre pa sila at may malaman tungkol sa mga Chinese.

Pasabog naman talaga ang role at karakter ni Maricel bilang si Valerie Lim na sabi nito ang description ay “clever mistress.” Hindi nabanggit sa mediacon kung sino ang may asawang makakarelasyon ni Valerie.

Ang nakwento ni Maricel, ang anak na si Donny Pangilinan ang namilit sa kanya na tanggapin ang offer ng Regal Entertainment at GMA Network na mapabilang sa cast ng Mano Po Legacy. 

Willie, absent sa binyag at birthday ng apo

Hinanap namin si Willie Revillame sa mga larawang lumabas sa binyag at birthday ng anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon na si Gideon o Gido. Wala si Willie at ang parents lang ni Joem sa grandparents ng guwapong si Gido ang present.

Sa nakita naming photos at napanood na video, masaya ang binyag ng bata at kabilang si Maricel Soriano sa dumating. Nakasingit pa nga sina Maricel at brother niyang si Mel Martinez na makagawa ng TikTok at tama ang netizens, wala pa ring kupas ang husay sumayaw ni Maricel.

May mga nag-comment na nga na looking forward silang makasama nina Maricel at Mel si Gideon sa kanilang TikTok. Guwapo ang bagets, puwedeng-puwede siya sa showbiz na hindi malayong mangyari dahil nasa showbiz ang karamihan sa pamilya niya.

MMFF Parade of Stars, umarangkada sa Pasig River

Nakakapanibago na ang MMFF Parade of Stars ay sa Pasig River lumarga this year at sa ferry boat sakay ang cast ng mga pelikulang may entry sa MMFF. Limitado ang sakay sa ferry boat na in fairness, maayos ang pagkakaayos.

Horror ang concept ng ferry ng Huwag Kang Lalabas dahil horror ang pelikula, pero hindi namin nakita si Kim Chiu sa mga larawang lumabas. Si director Adolf lix, Jr., at cast na sina Dave Bornea at James Teng lang ang aming nakita.

Malinaw na makikita sa litrato na nakasakay sa ferry boat sina Ken Chan at Rita Daniela na mga bida ng entry na Huling Ulan sa Tag-araw.

Hindi rin namin nakita kung may artista sa ferry boat ng A Hard Day nina John Arcilla at Dingdong Dantes. Hindi talaga nakarating si Dingdong dahil nasa quarantine pa ito.

Well, wish nating lahat maging matagumpay ang MMFF this year para sumigla na ang entertainment industry.

Sana, mas marami rin sumuporta at hindi matakot pumasok ng sinehan ang tao.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with