^

Pang Movies

LOL, may ginawang pagbabago

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maganda naman pala ang paliwanag tungkol sa cost cutting ng Lunch Out Loud.

Maganda nga na gumawa sila ng measures kesa naman mawala ang programa.

Saka maganda naman iyon mga pagbabago nilang inilagay sa LOL. Sa panahon ngayon, dapat talaga maayos ang pagpapatakbo ng lahat dahil iba na ang market, viewers’ preference at talagang stiff ang competition.

Talagang pag over staff at over dami ang casting dapat bawas ng konti. Meron mga tinatawag na weakest link sa isang programa kaya dapat inaayos iyon.

Mukhang paganda na ang dating ng LOL kaya naman may hope na magtagal pa ito sa TV.

Gretchen, tumatak na sa pag-aayuda

May nagtanong sa akin kung ano daw ba talaga ang pagkakilala ko kay Gretchen Barretto. Bakit daw ba parang bigla naging ganito siya ka-generous, kind at charitable. Bakit daw na nun hindi niya iyon ginagawa.

Siguro si Gretchen para rin season, may summer, may winter. Or siguro rin noon hindi pa niya afford to give that much. Baka nun pa gusto na niya magbigay, mag-share pero hindi pa niya kaya financially. Ngayon na puwede na at meron siyang means to do it talagang bongga siya.

I think Gretchen will be remembered for the longest time dahil sa kanyang mga love boxes, bigas at wheelchairs.

She will be remembered for giving not only sa kakilala niya kundi sa halos lahat ng nasa showbiz at sa mga taong humiling na mabigyan sila ng ayuda.

Sa tulong nila Ana Abiera at Rusky Fernandez talagang naabot niya ang halos lahat ng sulok.

Grabe talaga iyon impact na ginawa niya. Out of the blue, walang motibo, give lang. Talagang stretch sa lahat ang generosity niya at mabuti na lang nakakita siya ng mga tao na tutulong at hindi nagdamot sa mga ipinamimigay niya.

vuukle comment

LUNCH OUT LOUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with