^

Pang Movies

Alden malabo nang makapag-umpisa ng pelikula   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iba-iba ang reactions ng fans ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ilang oras lamang after i-release ng Jollibee Studios ang kanilang One True Pair: The Movie, na humakot ng 45 million views sa YouTube at Facebook. 

Tumagal ng 35:57 minutes na ang comment ng fans nila ay parang “parang true to life lang ang drama.” Kaya tiyak, after nilang mapanood ang movie, gusto na ng fans na gumawa na sina Lloydie at Bea ng movie or isang teleserye, since magkasama na raw naman sila ngayon sa GMA Network.

Pero, ang sinimulan na ni Lloydie ay ang sitcom niyang Happy To Get He na ayon kay Wowowin” host Willie Revillame ay mapapanood na raw sa December 26, 2021 ang pilot episode nito. 

Hanggang sa ngayon naman ay hindi pa rin natutuloy ang pagsisimula ng lock-in taping ng movie na pagtatambalan nina Bea at Alden Richards, ang Pinoy adaptation ng Korean movie na Moment To Remember, na may bago nang title:  Special Memories.

Tanong tuloy ay kung masisimulan ba ang movie dahil sa December 23, naka-schedule na ang US trip ni Alden at babalik siya sa January 5, 2022 na.

Yasmien tuhog sa dalawang award

Very thankful si Kapuso actress at bida ng afternoon prime series na Las Hermanas na si Yasmien Kurdi, nang tumanggap siya ng dalawang top awards bilang isang actress.  Tinanggap ni Yasmien ang Most Inspiring Filipino Actress of the Year mula sa 2021 Gintong Parangal, at ang Most Remarkable Actress of the Year mula sa Dangal ng Lahi Awards.

“Maraming salamat po, nakakataba ng puso na mahanay at makasama ang mga taong mahuhusay sa iba’t ibang larangan o propesyon.  Gusto ko pong magpasalamat sa aking GMA Family for trusting me with beautiful and inspirational roles, in that way I get to inspire also other people thru the roles I play.  And above all, thank you Lord God for keeping us safe especially during this pandemic.”

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with