^

Pang Movies

Chair Rachel, babalikan ang dating posisyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Papasok pala uli sa pulitika ang fave chairwoman natin ng MTRCB na si Chair Rachel Arenas, Salve. Sabagay, bago ang MTRCB dating congresswoman ng Pangasinan si Ms. Rachel at she was doing so well sa distrito niya nang ibigay sa kanya ang trabaho ng MTRCB.

Siya na yata ang pinaka-friendly at efficient sa mga naging Chairman ng nasabing agency kaya very popular siya sa mga producer at artista. Dahil siguro very young at aggressive kaya na­ging malaking refresher sa MTRCB. Now, balik siya sa paboritong distrito niya sa Pangasinan, kaya tuwang-tuwa na naman ang mga kababayan niya na makakatikim ng kanyang pagmamahal at trabaho.

Sure winner si Ms. Rachel sa posisyon na kanyang tinatakbuhan, dahil nga may history na siya sa kanyang kind of work at naipakita na niya sa mga taga-distrito ang pagmamahal niya.

Tuwang tuwa nga sila sa pagbabalik Pangasinan ni Ms. Rachel Arenas na tiyak mami-miss ng mga taga-showbiz dahil nga sa napakagandang trabaho na ipinakita niya sa showbiz industry.

Good luck and we will miss you, our dear Ms. Rachel Arenas.

Gretchen, kinumpirmang ayaw sa pulitika

Natawa naman ako, Salve, na parang nagulo ang lahat sa balita na baka tumakbo sa Congress si Gretchen Barretto. Imagine mo ang dami agad inquiry kung totoo ba at gusto talagang hanapin si Gretchen para sa interview.

Pero clear ang sagot ni Gretchen  na hindi siya papasok sa pulitika. At kaya raw nagbibigay siya ng mga bigas at wheelchair dahil gusto niya lang i-share ang maraming blessings na dumarating sa kanya. Ganundin ang sabi ni Ana Abiera, basta positive lang, ayaw nila ng nagbibigay kulay sa ginagawa nila na pagsi-share.

Noon pa pala gusto ni Gretchen ang magbigay ng mga bigas pero parang merong mga tao na humarang sa sana ay gusto niyang gawin. Kaya nga natuwa raw siya na ang TIPMMG ay naging katulong niya sa pagbibigay saya sa mga nakatanggap. Sina Bettina Aspillaga at Francis Simeon nga na katulong ni Ana Abiera sa pamamahagi ng pamigay ni Gretchen ang nagsasabi na noon pa, marami nang bigas at wheelchair ang ipinamigay nila na naging tahimik lang.

Suwerte talaga ng TIPMMG na napili tayo ni Gretchen na magpapremyo sa mga may kailangan.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with