^

Pang Movies

Arci sasali na rin sa pulitika, kakandidatong councilor

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arci sasali na rin sa pulitika, kakandidatong councilor
Arci.

Whew, kakandidato rin palang councilor si Arci Muñoz.

Yup, siya ang bagong dagdag sa mga artistang susubok na rin sa pulitika.

Sumapi ang Kapamilya actress at BTS fanatic sa Lakas-Christian Muslim Democrats’ (Lakas-CMD) kahapon.

Umpisa na ang filing of candidacy ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Kasama sa mga nag-declare ng candidacy sina Claudine Barretto, EJ Falcon, Anjo Yllana at iba pa.

Sa Municipality of Cainta raw kakandidato si Arci na isa ring Philippine Air Force reservist.

Bagong collection ng Flora Vida ni Marian, marami nang nakaabang

Sosyal, teaser pa lang ang luma­labas sa new collection ni Marian Rivera for Flora Vida by Marian, ang dami na agad reservation.

Sunud-sunod kasi ang post niya ng “Preview of our upcoming first collection.”

Last May pa niya inilabas ang home collection na mabilis na-sold out.

Yup, wala mang teleserye ang GMA Primetime Queen, busy naman siya sa kanyang negosyo ngayong pandemic though nagti-taping naman siya para sa Tadhana na siya ang host.

Hmm, ano kaya ang mga new collection ni Marian.

Speaking of Primetime Queen, pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang reaction niya nang ini-introduce siya ni Korina Sanchez na Primetime Queen sa anniversary ng Beautederm weeks ago.

Sumagot kasi si Marian ng “Ms. Korina, Marian na lang! Wala na ‘yung Queen chuchu! Queen ng bahay namin!”

Pero payo ni Ms. Koring, tanggapin niya ang nasabing title dahil GMA 7 ang nagbigay nito sa kanya. “‘Yang titulo na ‘yan, ‘di mo naman ‘yan binigay sa sarili mo, binigay talaga ‘yan ng network sa yo kaya angkinin mo at samsamin mo yan.”

May point naman si Ate Koring.

Siya naman talaga ang reyna kahit sinasabing sa pagpasok ni Bea Alonzo ay baka magkaroon siya ng kahati.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with