^

Pang Movies

Janus inaayudahan ng mga kaibigan, dinetalye ang ginawang panloloko ni G kay B!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janus inaayudahan ng mga kaibigan, dinetalye ang ginawang panloloko ni G kay B!

Ayon kay Janus del Prado, handa siyang makipagpatayan para sa kanyang mga kaibigang sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Paulo Avelino, Joem Bascon, Meryll Soriano, atbp.

Sey nga niya sa kanyang latest interview with Ogie Diaz, hindi rin naman daw kasi matatawaran ang ginawa ng mga ito para sa kanya hindi lang sa usaping pera. “Kahit hindi mo sabihin na may pinagdaraanan ka, matik alam nila. Hindi laging about money, hindi laging about pera. Minsan ‘yung tawag lang, kamustahin ka lang, malaking bagay para sa atin ‘yon,” ani Janus.

Ikinuwento nga niya na lagi siyang pinapadalhan ng tulong ni Paulo during this pandemic. “Every time na magla-lockdown, magpapadala ‘yan sa bank account ko ng pang-grocery. Matic ‘yan ha, hindi ka manghihingi, wala siyang itatanong kung may pangbili ba ‘ko or ano,” pagbabahagi ni Janus.

Si Meryll at si Joem naman daw ay panay ang tsek sa kanya at parang mga kapamilya na raw niya talaga.

Hindi rin niya makakalimutan ang ginawang tulong sa kanya ni Angel noong 2014 na sinagot daw nito ang buong hospital bills niya nang nagka-tigdas siya amounting to P150,000.

Si Bea naman daw ay mahilig magpadala ng food sa kanya at kung anu-anong goods.“Swerte ako sa mga kaibigan ko kasi alam ko, bilang isang kaibigan, wala akong masyadong maio-offer, eh. Hindi ako mayaman, hindi ako sikat, hindi ako influential na tao. So, ang ano ko na lang is kapag may umagrabyado, syempre, ipagtatanggol ko. Nandu’n ako,” wika ni Janus.

Na talaga namang ginagawa niya. Matatandaang ilang beses na niyang ipinagtanggol si Bea sa issue nito kay Gerald Anderson.

Nang ma-redtag si Angel ay isa rin siya sa walang takot na nanindigan at nagsalita para sa aktres.

Ngayon ay kontrobersyal na naman nga si Janus dahil sa blind items niya although may letra naman siyang binabanggit na  G, J, P at B. Maraming netizens ang humula na ang mga ito raw ay sina Gerald, Julia Barretto, Pia Wurtzbach at ang kaibigan niyang si Bea. Of course, ang puno’t dulo nito ay ipinagtatanggol pa rin niya ang kanyang kaibigan.

Tinanong nga ni Ogie kung bakit letra lang ang binabanggit niya at ayon sa aktor ay nag-iingat lang daw siya dahil baka may mapikon daw at idemanda pa siya.

May mga rant ngayon si Janus dahil sa bagong pronouncement ni G na gusto nitong mag-sorry kay B. “Tapos na ‘yan kung inamin niya lang talaga ang pagkakamali niya. Kasi, kung humingi siya ng sorry, sabi ko nga sa ‘yo, ang kaibigan ko, napakabilis magpatawad,” sabi ni Janus.

Dahil nga sa sunud-sunod niyang pagtatanggol kay B ay naba-bash na si Janus at nagkakaroon na ng death threats. Kaya naman nagwo-worry na raw sa kanya ang kaibigan.

vuukle comment

JANUS DEL PRADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with