^

Pang Movies

Tiny bubbles ni Nora, bida sa lockdown

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tiny bubbles ni Nora, bida sa lockdown
Nora

Lumutang bigla ang cover version ni Nora Aunor ng kantang Tiny Bubbles na a­ming narinig sa isang programa ng DZBB kahapon. Nostalgic ang dating ng kanta sa nakaaalala ng version ni Ate Guy.

Tila may kinalaman ang kanta sa binitawang mga salita ng isang government official na tiny bubble kaugnay ng umiiral ngayong Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at piling lugar.

Sakto ang salitang bubble kapag may tapings ng TV show, shooting ng movies at basketball at volleyball games ngayon.

Nauso ang salitang bubble sa panahon ng pandemic. Kung malaking bubble dati ang NCR plus, ngayon, may lugar nang tinawag na tiny bubble, huh!

Kung anu-ano na lang ang salitang nauuso ngayon dahil sa pandemya!

Tonton at Glydel, may tagisan sa Magpakailanman

Pahusayan sa pag-arte ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa fresh episode ngayong gabi ng Magkapakailanman.

Bibida sina Tonton at Glydel sa inspiring story tungkol sa isang babaeng tinamaan ng breast cancer sa episode na I Will Survive The Lynlin Enriquez Dumoran Story.

Bayaw ni Glydel ang papel ni Tonton pero nagkagustuhan sila nang pumanaw ang kapatid ni Ton.

Real life couple sina Ton at Glydel at kapwa magaling na artista kaya naman abangan kung sino ang mas magaling sa mag-asawa, huh! 

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with