^

Pang Movies

Kisses, noon pa gustong maging beauty queen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kisses, noon pa gustong maging beauty queen
Kisses

Excited na si Kisses Delavin sa kanyang journey bilang kandidata sa 2021 Miss Universe-Phiippines. Sa kanyang latest Instagram post ay kinumpirma na rin ng dalaga ang kanyang pagsali sa nasabing beauty pageant. “Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines! 2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie,” caption ni Kisses sa video at mga larawang ipinost.

Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang Kissables (her fandom’s name) sa suporta.

Noon pa ay interesado na talaga si Kisses sa pageantry and in fact nanalo na siyang Miss Teen Masbate bago pa man siya pumasok sa showbiz.

Bukod kay Kisses ay join din sa MUP 2021 ang Star Magic artist na si Maureen Wroblewitz. Pareho silang kasama sa top 100 delegates at sa susunod na linggo ay pipiliin ang 30 official candidates na siyang lalaban para sa titulo.

Good luck to the two ladies mula sa showbiz.

Klea, takot pang sumali sa MUP

Isa pang may dream na maging beauty queen ay ang Kapuso actress na si Klea Pineda and in fact, ilang beses na niyang pinlanong mag-join sa MUP pero lagi itong nauudlot.

Sa katatapos lang na virtual mediacon for Klea ay naitanong nga sa kanya kung bakit hindi pa siya sumali this year sa MUP at biniro nga siyang naunahan na siya tuloy ni Kisses.

Natawa si Klea at aniya ay right timing na raw ito siguro for Kisses. As for her, aminado siyang parang hindi pa siya ready at may takot pa siya.

“Gusto ko po kasi, once na sumali ako, 100% ready na ako at naka-package na ‘ko for that. And ngayon, siguro ‘yung opportunities na naibibigay sa akin, du’n muna ako kumakapit, ‘yun muna ‘yung mga tinataggap ko dahil ayokong mawala ‘yung opportunity na ibinibigay sa akin ng GMA, lalo na ‘yung mga shows,” ani Klea.

When asked kung saan niya mas gustong sumali between Miss Universe-Philippines or Miss World Philippines, aniya ay ang una.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with