^

Pang Movies

Lie low na sa showbiz, Angel aayusin ang sarili at pagbubuntis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lie low na sa showbiz, Angel aayusin ang sarili at pagbubuntis

Inamin ni Angel Locsin na tatapusin niya na lang ang nata­nguan niyang commitments at pahinga muna raw siya sa showbiz.

Sa interview sa kanya ni Matteo Guidicelli para sa podcast nito, ayon sa aktres ay mas priority raw niya ngayon ay ang paglagay sa tahimik at pagbuo ng pamilya. As we all know ay malapit nang ikasal ang aktres sa businessman/producer na si Neil Arce. “Ngayon talaga, lie-low talaga ako. Hindi ko masabing stop kasi bilang isang artist, hahanap-hanapin mo rin talaga, eh. Pero sa ngayon magla-lie low muna ako, tapusin ko muna ang ibang commitments ko,” ani Angel sa interbyu niya kay Matteo.

“Gusto ko lang talagang damdamin at i-absorb lahat kung paano mag-prepare sa isang married life. Parang hindi pala siya ganu’n kadali. Hindi siya ‘yung parang maglilipat ka lang ng condo, tapos na. Marami ka pala dapat i-consider talaga.

“’Yun ‘yung sa ‘kin. Kung anuman ang ibigay sa akin ng Diyos, go, tatanggapin ko. Basta kasama ko lang si Neil, okay ako,” sey niya.

Of course, mami-miss din daw niya ang pag-arte pero sa ngayon daw ay masaya siya sa kanyang ginagawa at ito ay ang paghahanda bilang Mrs. Arce.

“I think, nasa okay na place ako ngayon. For the longest time kasi, ang iniisip ko kumita ng pera, breadwinner ka, eh, so ganu’n ang iniisip mo. Kumita ka ng pera, mag-ipon ka, ganyan, para ‘di ka mapagalitan, sige, ganu’n, gawin mo ‘yung sinasabi nila.

“Pero nakalimutan ko ‘yung sarili ko, eh. Ngayon, natututo ako pa’no gumawa ng budget ulit, alam mo ‘yung ganu’n. Parang siguro ako muna. Ayusin ko muna ‘yung sarili ko, ayusin ko muna ‘yung kasal ko, ayusin ko lahat,” aniya.

Sey pa niyang natatawa, “mag-aaral akong magluto para hindi naman ako isoli ng asawa ko sa tatay ko.”

Sobrang excited na raw siya sa kanilang kasal this year at sa pagbuo ng pamilya at gusto na rin daw niyang magkaroon ng anak. Mga isa or dalawang anak lang daw ang kanilang plano kung pagbibigyan ng Panginoon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with