^

Pang Movies

Bea at Dominic gaya-gaya raw kina Gerald at Julia!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bea at Dominic gaya-gaya raw kina Gerald at Julia!
Dominic

Bongga si Yam Concepcion. Ikakasal na pala siya sa end of the month sa Manhattan, New York.

Ito ay habang tumatanggap sila ng mga papuri ni JM de Guzman mula sa netizens matapos matunghayan ang kinahantungan ng obsesyon ni Peterson (JM) sa asawang si Rita (Yam) sa hit serye na Init sa Magdamag.

Sinabi nga ni Yam sa interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN ikakasal na sila.

Two months na si Yam si New York kung saan naka-base ang fiance niyang si Miguel Cuunjieng at solo raw siyang abala sa nasabing kasalan na very intimate with families and friends lang.

Anyway, nakabilang sa top trending list ang hashtag ng episode na #ISMBatteredWife, pati ang mga karakter nina JM at Yam na si Peterson at Rita.

Sa naturang episode, napanood ng viewers kung paano sinaktan at pinagsamantalahan ni Peterson ang kahinaan ng asawa dala ng hindi makatuwirang pagseselos kay Tupe kahit wala itong pruweba. Nakatakas si Rita at naabutan nina Tupe (Gerald Anderson) at Raymund (Albie Casiño) kaya naman naitakbo siya ng ospital. Ngayon, namemeligro na ang pagbubuntis ni Rita. 

Mainit naman ang naging kilig ng netizens sa ‘memory box’ photos ni Julia Barretto kasama ang karelasyong si Gerald sa Baguio.

At ang wish nila sa dalawa “keep the love burning.”

Dama raw nila ang init ng pagmamahalan ng dalawa sabi ng kanilang followrs.

Kasama sa nasabing memory box ni Julia ang kanyang pamilya.

Pinatutunayan ng magkarelasyon na super close si Gerald sa family ng actress.

Kasal na rin lang ang hinihintay sa kanila.

Todohan ang sweetness ng dalawa pagkatapos na ilantad ang kanilang relasyon hindi katulad noon na pulos palihim ang mga lakad nila na siya ngayong style nina Bea Alonzo at Dominic Roque na pulos pamisteryo ang mga post sa social media.

Anne, ayaw pang magtrabaho

Wow, marunong na agad mag-request ang anak nina Anne Curtis and Erwan Heussaff na si Dahlia ng gustong kainin.

At kahit one year old pa lang ito ang gana na agad kumain.

As in bukod sa mga nire-request sa daddy Erwan niya na isang chef, na ginagawa na rin siyang assistant nito at talagang super ganadong kumain lahat ng ibigay sa kanya.

At obviously, namana nito ang katawan ng kanyang mommy Anne na petite.

Hindi pa nagbabalik sa trabaho si Anne since dumating sila ng Manila from Australia kung saan ipinanganak si Dahlia. True kaya na may isyu sa TF kaya ayaw pa muna nitong magtrabaho?

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with