^

Pang Movies

Bong, nag-lock in uli!

Gorgy Rula - Pang-masa
Bong, nag-lock in uli!
Bong

MANILA, Philippines — Biglang naging emotional si Sen. Bong Revilla sa kanyang Agimat ng Agila giveaway contest sa Facebook noong nakaraang Sabado, pagkatapos ng 11th episode ng action-adventure niya sa GMA 7. Tuwing Sabado pagkatapos ng Agimat ng Agila ay namimigay siya roon ng cash prizes at gadgets.

Tinawag siya nina Mayor Lani Mercado at Vice Governor Jolo Revilla para simulan na ang pamimigay ng premyo. Pero nagsalita muna si Sen. Bong para pasalamatan ang lahat na patuloy pa ring sumusuporta sa kanya, dahil sa magandang balita noong nakaraang linggo na naabsuwelto siya sa lahat na kasong isinampa sa kanya ng Ombudsman.

Nai-grant ng Sandiganbayan ang Demurrer of Evidence sa natira pa niyang kasong Graft and Corruption. Kaya paulit-ulit na nagpasalamat si Sen. Bong sa lahat na sumusuporta sa kanya, sa lahat na patuloy na nagdasal para sa kanya, sa kanyang pamilya at higit sa lahat sa Diyos.

“Alam mo talagang God is so good. Kaya ang masasabi ko lang, Lord, thank You very much. Thank You Lord,” pahayag ni Sen. Bong.

Sabi naman ni Mayor Lani; “Ang masasabi ko lang maraming salamat sa lahat na tagasuporta mo, sa lahat naniniwala sa ‘yo. They stayed strong, they believed in you. Kahit na ano pang batikos na ginagawa ng mga kalaban, nandiyan pa rin sila, loyal pa rin sila sa ‘yo. Kaya ‘Papa, makakaasa ka ang pamilya mo laging nandiyan.”

Sagot naman ni Sen. Bong; “To you Mama, thank you very much. Nung nandun ako sa loob, ikaw ang tumayong tatay, nanay, lahat na. At the same time, Mayor ka ng Bacoor, lahat ‘yan nalagpasan natin.”

Halos limang taon ding nakapiit si Sen. Bong sa Camp Crame, at nakalabas lamang siya pagkatapos siya maabsuwelto sa kasong Plunder.

Itong Graft ang natira at bale walong taon din ang hinintay niya bago natapos ang mga kasong hinarap niya.

Nalinis na nga ang pangalan niya, at napatunayang inosente siya sa mga kasong isinampa sa kanya, pero nahusgahan na siya sa harap ng publiko at matinding batikos at paninira ang inabot niya.

Sana tigilan na raw ang ganitong batuhan ng putik para lang mapabagsak ang kalaban sa pulitika. “Basta ang hiling ko lamang po, ang importante lang lalo na sa mga naninilbihan sa bayan na nangangarap ding tumakbo sa mas mataas na posisyon, kung ano man. Basta ang isipin natin palagi, kung ano mang mas makakabuti sa bayan. ’Yung pagwasak, pagyurak sa buhay ng may buhay, ‘yung maatim mo ‘yung ano minsan… tama na po ‘yung ganun.

“Marami pong walang trabaho ngayon, because of the pandemic, itong COVID-19 na ito na talagang nandiyan pa rin ‘yung salot. Kaya habang nandiyan, huwag po tayong makalimot sa Diyos. Dahil ang Diyos, laging nandiyan at hindi tayo pababayaan. “Ako po ang isa sa makakapagpatunay na meron talagang Diyos. “Kaya sa lahat na nagdasal para sa akin, thank you, thank you very much from the bottom of my heart,” sabi pa ni Sen. Bong.

Medyo garalgal na ang boses niya nang binanggit na niya ang namayapa niyang amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

“Daddy, thank you. Ayokong maging emotional eh. Thank you very much.”

Kahapon ay nag-taping si Sen. Bong sa Tanay, Rizal ng ilang eksenang kailangan pa sa huling dalawang episode ng Agimat ng Agila.

Pagkatapos nito ay aayusin na raw nila ang season 2.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with