^

Pang Movies

Willie ipapa-NBI ang ­nagkalat na nabuntis niya si Hipon girl!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Willie ipapa-NBI ang ­nagkalat na nabuntis niya si Hipon girl!

Imbiyernang nilinaw ni Willie Revillame ang tsikang nabuntis niya si Herlene Budol na mas lalong kilala sa tawag na Hipon Girl.

Sa episode ng Wowowin, ayon sa TV host ay wala raw itong katotohanan at pinangaralan ang gumagawa ng fake news. “Natsitsimis ho eh, nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi ho totoo yan! Puro fake news ang ginagawa n’yo!” ani Willie.

Binanggit din niya na dati ay ginawan na rin daw siya ng issue kay Kris Aquino. “Pati kay Miss Kris Aquino. Mahiya naman kayo! Hindi ho totoo ‘yan! Huwag kayong naniniwala diyan. Pati ‘yung mga taong nananahimik. . .” sey pa niya.

Halatang seryoso si Willie sa kanyang reklamo dahil nagpaplano rin siyang gumawa ng legal na aksyon.

“Papaano ba ‘yan ireklamo sa NBI? Pwede, ano?  Hanapin n’yo nga ‘yung Facebook niya. Kaya raw nawala si Hipon nabuntis ko? Diyos ko naman!” ani Willie at pabiro pa niyang dugtong, “ano magiging anak namin, hipon?”

Matagal-tagal na kasing hindi nakikita si Hipon sa Wowowin at dito na nga nagsimulang mag-speculate ang ibang taong walang magawa.

Fans ni Julia nabuhayan ng loob, nagde-demand ng teleserye

Nag-trending agad si Julia Montes sa Twitter matapos ang interview niya na lumabas sa Mega Entertainment kung saan ay ini-reveal na nga niya that she’s in love.

Na kahit walang binanggit na pangalan, of course, ang maiisip lang ng tao na karelasyon niya ay walang iba kundi si Coco Martin dahil ito lang naman ang aktor na consistent na nali-link sa kanya for how many years now.

Sobrang nami-miss na nga si Julia ng kanyang fans dahil dumagsa ang clamor sa Twitter na bumalik na siya sa pag-arte. Imagine nga naman, huli pang napanood ang aktres last year sa 24/7. Pero bago ito ay matagal din siyang nagpahinga at nagpunta pa ng Germany.

“We need a Julia Montes teleserye! Parang awa niyo na @ABSCBN,” tweet ng isang netizen.

Umaasa ang fans na ang naturang paglabas ni Julia for an interview ay senyales na ng tuloy-tuloy na pagbabalik nito sa showbiz.

Carla, may pa-daddy na kay Tom

Video message mula kay Carla Abellana ang naging surprise para kay Tom Rodriguez sa nagdaang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV para sa upcoming series na ‘The World Between Us’ nitong Miyerkules, June 30. “Hi, Daddy! Congratulations for being part of ‘The World Between Us.’ This is it! I know how eager you have been to get back to work, to be part of such an amazing production team, inggit ako sa’yo, to have great co-actors, and to portray yet another challenging role,” ani Carla.

Gumaganap bilang kontrabida sa kuwento ang karakter ni Tom sa nasabing serye. Pabiro pang bilin ni Carla, “Hinay-hinay lang sa pag-api kay Alden, napag-usapan na natin ‘yan. Sabi ko sa ‘yo, wag mo masyadong aapihin si Alden at lagot tayo sa mga fans niya.”

Kilig na kilig naman ang fans na nakasubaybay sa FunCon sa lambingan ng dalawa.

Samantala, naghahanda na rin si Carla para sa kaniyang upcoming drama series na To Have and To Hold.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with