^

Pang Movies

Rico aprub sa pamilya ni Maris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rico aprub sa pamilya ni Maris
Rico at Maris

Bakit nga ba pinu-problema ng ibang tao ang age gap nina Rico Blanco at Maris Racal kung ‘yung dalawa ay walang problema at masaya sa kanilang relasyon.

“It’s really a normal relationship. In their world, people may have opinions about age gap and relationships, but regarding the issue of age, we’re okay, ‘di kasi kami naba-bother.

“I told my mom about it, she was first on my list. Surprisinglly naintindihan nya! Inakala ko maraming magagalit pero kabaligtaran ang nangyari!

“Nahanap ko siya at the right time na marami na akong nagawang songs, he really helps me, in ­songwriting, music video, guiding me about the right time to release my songs, but at the same time he does nit overstep.”

Samantala, si Rico ang nag-produce ng new single ni Maris na Ate Sandali  at may post siya sa kanyang Instagram tungkol sa single. Sabi ni Rico, “too many things to love about this release” kaya maniwala tayo.

Derek, marami sanang romansahan kay Max

Makakaramdam nga ng awkwardness si Derek Ramsay kung tinanggap ang To Have and To Hold  dahil bukod sa mag-asawa ang role nila ni Max Collins na isa sa best friend ni Andrea Torres, may mga eksena silang pang-mag-asawa. Gaya nang nakita naming behind-the-scene photo na nasa bathtub sina Max at Rocco Nacino na ipinalit kay Derek.

Siguradong may mga kissing scene at bed scene pa sina Max at Rocco at hindi yata magiging kampante si Derek sa mga ganoong eksena. Sa halip nga naman na magka-problema pa sa shooting, nag-beg off na lang siya at ngayon ay naghihintay ng kapalit na project.

Break ng lock-in taping ng To Have and To Hold, kaya nakauwi muna sa kani-kanilang mga bahay ang cast.  Matagal pa naman yata ang airing ng teleserye na kabilang si Carla Abellana sa mga bida, kaya walang hinahabol na airing date.

Gabrielle Hahn, matagal bago ­nakapasok sa GMAAC

Ang dami palang may gusto sa bagong talent ng GMA Artist Center na si Gabrielle Hahn at napatunayan namin ito nang i-post ang picture niya at ang balitang i-introduce siya at iba pang GMAAC talent sa All-Out Sundays this Sunday sa segment na #FYP o Fresh Young Peeps.

Umabot sa almost 2,000 ang netizens na nag-click sa item namin kay Gabrielle at ang feedback ng netizens, maganda siya at siya pala si Myra Girl.

Inglesera si Gabrielle, pero hindi matu-turn off ang fans sa kanya at aliw ang inaming three times siyang nag-audition sa GMAAC bago natanggap. Hindi raw agad niya nalamang kailangang may manager ang isang talent para makatulong sa pagpasok sa showbiz.

Idol ni Gabrielle si Lea Salonga, pero love rin niya sina Carla Abellana at Marian Rivera.  “I grew up in love with Marian and Carla. They are my idols and I love Marimar and Rosalinda,”  sabi pa ni Gabrielle.

Lalo sigurong ma-i-inspire si Gabrielle kung makakasama niya sina Carla at Marian sa teleserye na gusto rin niyang gawin. Looking forward din siyana ma-meet in person ang dalawa na mangyayari naman siguro.

Si Alden Richards ang gustong maging leading man ni Gabrielle kung mabibigyan siya ng chance na magbida sa project sa GMA-7. 

vuukle comment

RICO BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with