^

Pang Movies

Dingdong, itinangging kakandidato sa 2022

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dingdong, itinangging kakandidato sa 2022
Dingdong

Hindi na siguro maba-bash si Dingdong Dantes pagdating sa isyu ng pulitika dahil may mga hanash na hindi pa rin niya sinasabi kung papasok nga siya sa pulitika at tatakbo sa 2022 elections.

Sa mediacon para sa third anniversary special ng hino-host niyang Amazing Earth na magsisimula this Sunday, sa bago nitong time slot na 7:40 p.m., nilinaw at itinanggi ni Dingdong na tatakbo siya sa 2022. Ang sabi pa nga, pagka-senador ang posisyon na kanyang tatakbuhan.

“Wala po akong plano sa 2022,” maiksing sagot ni Dingdong at “wala rin” ang sagot sa tanong kung totoong marami ang nagkukumbinsi sa kanyang na tumakbo.

Sa tanong na ano ang naging pag-uusap nila ni Marian Rivera tungkol dito, “hindi namin napag-usapan dahil wala naman akong plano talaga,”sagot ni Dingdong.

In fact, puro plano sa kanyang showbiz career ang binanggit ni Dingdong, gaya ng tuloy pa rin ang pagho-host niya ng Amazing Earth na every Sunday, magagandang episode ang hatid ng AE team. Ibinalita rin ni Dingdong na pinaghahandaan na ang pagkatuloy ng lock-in taping ng isang episode ng I Can See You na hindi natuloy dahil sa pandemic at lockdown.

Anyway, pinaaabangan ni Dingdong ang three-part anniversary special ng Amazing Earth kung saan sa first part ay may interview siya kay Pasig City Mayor Vico Sotto. Itatampok ang Pasig Rainforest Park at malalaman ang green side ni Mayor Vico.

Magaganda rin ang itatampok sa mga susunod na anniversary episode at mga personalidad na na-interview ni Dingdong. Marami silang ise-share na kaalaman sa Kapuso viewers na sumusubaybay sa infotainment show sa direction ni Rico Gutierrez.

Kiko at Heaven, spotted sa Bora

Spotted sa Boracay sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa Lemoni Cafe na nasa Station 2 ng Boracay. Sabi ng netizens, parang confirmation ang sighting sa dalawa na nagde-date sila o baka sila na.

Maaalalang si Heaven ang tinukoy ng ex-GF ni Kiko na si Devon Seron na rason ng kanilang breakup at itinanggi ito ni Heaven. Kung break man daw ang dalawa, wala siyang kinalaman doon.

Pero sa sighting sa dalawa, susunod na kaya ang kanilang pag-amin sa anumang estado ng kanilang relasyon? Kinowt tuloy ng netizens si Bea Alonzo na nag-post noon sa Instagram ng “Time as the ultimate truth teller” na ginamit ni Bea sa naging ending ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Ruby at Lovi, nag-reunion sa Cali

Nagkaroon ng reunion sa Los Angeles, California sina Ruby Rodriguez at Lovi Poe na gumanap na mag-ina sa Owe My Love. Pinost ni Ruby ang larawan nila ni Lovi na magkayakap sa gitna ng kalye at nilagyan ng caption na “Nanay Coring and Sensen. I’m so happy to see you @lovipoe... Owe my Love sa Cali.”

Nabanggit ni Ruby ang boyfriend ni Lovi na si Monty Blencowe, kasama yata ni Lovi ang BF nang makipagkita kay Lovi at baka ito pa ang kumuha ng kanilang litrato.

Matagal na sa LA si Lovi at tila wala pang planong bumalik ng Pilipinas. Sabagay, wala pa naman siyang gagawing project dito at habang nasa LA, nag-recording uli ng new single. Pinahuhulaan nga nito ang title ng bago niyang single at inilatag na niya ang clue, one letter na lang ang missing, para madaling hulaan.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with