^

Pang Movies

Julia, gustong unahin ang pagpapabuntis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

“A baby” ang isinagot ni Julia Barretto sa kapatid niyang si Dani Barretto nang tanungin siya nito sa vlog ng kapatid ng “At this point in your life what else is missing.” Baby nga ang sagot ni Julia na ikinatawa ni Dani.

Hindi ito ang first time na nabanggit ni Julia na baby na lang ang kulang sa buhay niya. May napanood din kaming vlog na fans na close sa kanya ang kausap ni Julia at nabanggit din nito na gusto niyang magka-baby. Ang hindi nabanggit ni Julia ay kung mag-aasawa na siya para magka-baby o baby muna saka na ang asawa.

Sa vlog ni Dani, ang dami na namang reaction ng netizens, may nag-comment na bakit hindi muna unahin ni Julia na mag-asawa bago pangaraping magka-baby. May nag-comment naman na bakit hindi muna unahin ni Julia na makatapos ng college bago magka-baby.

Tama ang sagot ng isang fan ni Julia na iba-iba ang gusto ng tao, iba-iba ang priority sa buhay at kung saan ka masaya, ‘yun ang gawin mo. Kapag nagka-baby naman si Julia, may bahay na siya at may pera, hindi niya poproblemahin ang pagpapalaki sa magiging baby niya.

Angel, pinagpi-pray ang pagda-diet

Natuwa ang fans ni Angel Locsin na nagsisimula na siyang mag-diet, paghahanda siguro sa wedding nila ng fiance niyang si Neil Arce. Pinost ni Angel ang dalawang slices ng meat, no rice at may caption na “Pray for Me.”

Nag-post din siya ng plate na may slices ng apple at ang caption ay “For snack” at ibig sabihin, ‘yun lang ang kakainin niya.

Funny naman ang isa pang post na binibigyan ang isang pusa ng daga bilang pagkain. Ang caption naman ay “Remember Diet” na inulit ng tatlong beses.

Suportado ng nakararami ang pagda-diet ni Angel at may mga excited nang makita siya na nabawasan ang timbang, kahit hindi na bumalik ang Darna figure niya.

Virtual reality concert ni Alden, nominado sa NY Festivals finalist

Limang programa ng GMA Network ang kasama sa finalists sa 2021 New York Festivals (NYF) TV and Film Awards. Ang Kapuso Network ang may pinakamaraming short-listed entries from the Philippines.

Nangunguna sa mga finalist ang first virtual reality concert ni Alden Richards na Alden’s Reality. Matutuwa si Alden ‘pag nalaman ang tungkol dito dahil ang dami nilang hirap ng mga taong involved to mount the said concert.

Finalists din ang Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica Soho, Reel Time, Reporter’s Notebook, at ang The Atom Araullo Specials  (Dreams of Gold).

Ang virtual concert ni Alden ay pasok sa Entertainment Special category, ang The Atom Araullo Specials ay sa Sports Program: Sports Documentary. Ang KMJS kasama sa Documentary: Social Justice category, ang Reel Time sa Documentary: Heroes category at ang Reporter’s Notebook (Miguel’s Wound) nasama sa Documentary: Health Medical Information category.

Sa October 12, ang announcement ng winners sa annual Storytellers gala na gaganapin sa NAB sa Las Vegas.

Samantala, natuwa ang fans ni Alden na muling nagpasalamat ang aktor sa kanyang supporters na idinaan niya sa Twitter. “Mag thank you lang ako sa mga fans and supporters na kahit di ko kaya nakikita ng matagal, ramdam na ramdam ko pa din kayo. Maraming salamat.”

Gladys, kumpirmado na sa bagong Pepito…

Nabalitang kasama si Gladys Reyes sa cast ng prequel ng Pepito Manaloto na may pamagat na Unang Kuwento at parang kinumpirma ng aktres ang tungkol dito sa post niya sa Instagram na “Getting ready for my close up smile, because il be back to work very soon!!”

Hindi pa nababanggit kung ano ang role ni Gladys sa prequel, ang sabi lang, noon pa nito gustong mag-guest o mapasama sa cast ng sitcom at ngayon lang matutuloy, dito sa prequel. Kaya, magandang abangan kung ano ang kanyang magiging role.

Na-announce na rin ang iba pang bubuo ng cast ng Unang Kuwento na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos bilang young Pepito and Elsa Manaloto respectively. Kasama rin daw si Kokoy de Santos at Pokwang. Pinagdedebatehan na ng netizens kung ano ang magiging role ni Pokwang sa prequel na July 17 na raw magsisimula ang airing.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with