^

Pang Movies

John Lloyd, naiyak kay Willie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tama ang fans ni John Lloyd Cruz, kumanta nga ito sa guesting niya sa Wowowin: Tutok to Win, pero hindi composition ni Vehnee Saturno kundi ang Yakap, Ako Ay Nagbalik. Nag-co-host din ang aktor kay Willie Revillame na ayaw ng ibang fans ng aktor dahil hindi raw bagay sa kanya ang mag-host.

Teary-eyed si John Lloyd nang i-welcome ni Willie at sabihang kailangan na niyang magbalik dahil nami-miss siya at magaling, at dapat napapanood ang kanyang husay. Marami rin daw Kapuso stars ang gusto siyang makatrabaho.

In-announce na rin ni Willie na magsasama sila ni John Lloyd sa isang primetime show sa GMA 7. Ito ‘yung sitcom nila ni Andrea Torres na inaabangan na ng marami.

Present sa Araneta Coliseum si Maja Salvador, ang manager ni John Lloyd sa Crown Artist Management. Binati rin ni John Lloyd si Ms. Annette Gozon at hinanap, pero alam nito na nagpapagaling si Ms. Annette dahil na-stroke, kaya ang sabi ni John Lloyd, magpagaling at magpahinga muna ito. “Magkikita rin tayo,” sabi nito.

American singer Dawin, gustong makipag-collab sa SB19

Nakakatuwa naman ang SB19, nag-reach out sa kanila ang American singer-songwriter na si Dawin at gusto silang maka-collab. Sa Twitter idinaan ni Dawin ang wish na maka-collaborate ang Pinoy pride at sabi, “Dawin X @SB19Official I love that idea.”

Wala pang reaction ang SB19 at ang kanilang management sa tweet ni Dawin na nasa likod ng hit song na Dessert. Record producer din si Dawin at kung sakali, hindi na problema ang magpoprodyus ng collab nila ng SB19.

Lolong, idea ni Jessica 

Sabi ng production ng Lolong, si Jessica Soho ang nagbigay ng initial idea na gawin ang fantasy-action drama. Galing daw sa crocodile stories na ipinalabas sa Kapuso Mo Jessica Soho o KMJS  kaya nabuo ang project.

“I thought it would be interesting to weave reality with fiction and come up with a riveting adventure drama on primetime TV. I’m also hoping that the story would help educate our viewers about these fascinating but feared creatures with whom we share our many rivers, lakes, and seas,” pahayag ni Jessica.

Magbibida sa Lolong si Ruru Madrid with Shaira Diaz and Arra San Agustin pero ang pinakabida sa kanila ay ang 22-foot long animatronic crocodile named Dakila. May ipinakitang short clip ng Lolong na lumalangoy ang buwaya at aakalaing totoo ito.

Pambawi sa pagiging pasaway sa nanay, Kiray naglagay ng P50K sa lechon!

Pinasaya ni Kiray ang 56th birthday ng nanay niya dahil bukod sa maraming food kabilang ang lechon, may kasama pang datung. Nilagay ni Kiray sa lumipad na lobo ang P6K at ang P50K ay sa loob ng lechon, kaya P56K lahat ang natanggap na birthday gift ng nanay nito.

Sabi ni Kiray, minsan na siyang naging pasaway na anak, pero dahil sa pandemic, ang dami niyang na-realize at isa rito, kailangan niyang bumawi sa parents niya. Hawak ng ama ni Kiray ang P56K at pinuri ang ama dahil wala raw kainggit-inggit ang ama niya sa bonggang regalo niya sa ina.

Speaking of Kiray, kasama siya sa cast ng katatapos na Owe My Love at may balitang makakasama siya sa project na gagawin ni Pokwang sa GMA 7. Makakasama rin daw ni Pokwang sina AiAi delas Alas at Eugene Domingo.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with