^

Pang Movies

Sharon, may hinahanap pa rin sa buhay

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Sharon, may hinahanap pa rin sa buhay
Sharon

 Marami ang humahanga pero meron ding naaawa sa sitwasyon ngayon ng Megastar Sharon Cuneta na kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat ng inaasam ng sinumang female star : kasikatan, yaman, mamahaling alahas, magagan­dang anak. Pero mistulang may kaligayahan pa siyang hinahanap na hindi kayang tapatan ng milyun-milyong kayamanan.

Ano kayang klaseng kaligayahan pa ang kulang sa isang Sharon Cuneta.

John Lloyd, magiging Kapuso na?

Noong una, ipinagsisigawan ni John Lloyd Cruz na ayaw na ayaw na niyang mag-showbiz dahil nakakasawa raw. Apat na taon siyang nawala sa sirkulasyon at ngayon niya nalamang hahanap-hanapin pala niya ang daigdig na ito.

Sumama nga si John Lloyd kay Willie Revillame noong magtungo ito sa resort. Simbolo na kaya ito ng paglipat niya sa Kapuso?

Grupo ng kababaihan, nag-ayuda sa mga taga-Baliuag

Namigay ng bayanihan community pantry ang grupong Baliwag Women’s League sa Baliuag. Maraming mahihirap ang nabigyan ng tulong ang grupong nabanggit sa gilid ng simbahan.

May pakiusap lang po kami sa ilang nagbabantay sa mga namimigay ng ayuda, huwag naman po ninyong tarayan ‘yung ibang nakabantay at naghihintay dahil wala silang ticket. Let them wait sa biyayang hinihintay tutal hindi naman pera ninyo ang pinanggastos sa kawanggawang ipinamimigay.

Dapat alalahanin sa panahong ito na maraming naghihintay ng ayuda kaya huwag na ninyong pagdamutan.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with