^

Pang Movies

Agimat… hindi tinitipid sa pagkain

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Agimat� hindi tinitipid sa pagkain
Bong

Mistulang may pistang handaan kapag may shooting ang action-fantaserye ng Kapuso, ang Agimat ng Agila. Palagi raw maraming pagkain sa set, kuwento ni Beth Oropesa.

Kuwento naman ng bidang si Senator Bong Revilla ay pagkain lang daw iyon kaya hindi raw dapat tipirin ang mga kasama sa set.

Sa takbuhan at barilang nagaganap tuwing nagsu-shooting, gugutumin daw talaga sila sa set lalo na ang mga grupo ng stuntmen na inaalagaang mabuti.

Mas matindi raw talaga ang hirap ng mga ito dahil sa maaksyong ginagampanan.

Masaya si Bong na nakarating sa kanya ang mataas na rating ng Agimat…

Bagong putahe kasi ito sa mga adik sa panonood ng teleserye.

ABS-CBN, may clout pa rin

Maraming nakakapansin na habang inaapi-api ang ABS-CBN, hindi pa rin siya ganap na nawawala, nawala man ito sa ere noong hindi bigyan ng franchise renewal, nariyan pa rin ito sa digital at lumalaban. Imagine na pati ang  international beauty contest na  gaya ng Miss Universe ay sa A2Z channel ipinalabas, ibig sabihin ay pinagkakatiwalaan pa rin ang Kapa­milya network kasehodang pinagdamutang bigyan ng prangkisa.

Well, ganyan ang labanan ngayon. Huwag magpapatalo, laban lang.

Benjamin, may kasalanan kay Lovi

Mukhang totohanan ang akting ni Benjamin Alves sa Owe My Love. Nabisto kasi ni Lovi Poe ang kamaliang ginawa niyang panggagamot sa ama ni Lovi na namatay sa istorya. Hindi ito matanggap ni Benjamin dahil sa sobrang pag-ibig kay Lovi.

Maraming fans naman ng aktor ang natutuwang nabigyan ng serye si Benjamin bilang kapareha ni Lovi.

Ipinanganak si Benjamin sa Guam. Isa siyang summa cum laude noong magtapos ng college sa University of Guam noon.

Pagtulong sa mga taga-­Baliuag, tuluy-tuloy

Masaya ang mga taga-Baliuag noong magbigay ng Bayanihan community pantry ang Hermana Mayor na si Mrs. Amy Rodriguez Tengco at Maria Victoria Tengco Burgos sa harap ng simbahang San Agustin.

Si Ka Amy ay mother ng yumaong Hermano Mayor noong si Jorge Allan Tengco. Ipinagpatuloy niya ang mga gawaing pagtulong sa mga kababayan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kahirapang dinaranas ng mga tao ngayon.

Maraming salamat po sa Tengco family at mga kababayang nagbigay-biyaya rin sa sandali ng kagipitan.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with