^

Pang Movies

Paul nahirapang umarte nang mag-mature

Ruel Mendoza - Pang-masa
Paul nahirapang umarte nang mag-mature
Paul

Inamin ng Kapuso actor na si Paul Salas na muntik na siyang mag-quit sa showbiz dahil sa isang mature role na nahirapan siyang gampanan.

“Noong 16 ako, nagkaroon ako ng drama and more mature role. Sanay pa ako dati, kasi mahirap pong mag-switch from child actor to mature roles. Nagkaroon po ako ng opportunity noon tapos puro big stars pa kasama ko.

“Naalala ko before, ‘di ko magawa ‘yung isang eksena, sobrang bigat na eksena. Hindi ko talaga magawa. Siguro umabot kami ng buong araw. Tapos hindi na lang pinalagpas, sabi sa next taping day na lang kung kailan magagawa mo ulit. Sobra akong na-down doon kasi bakit ganun? Ako nga ‘yung pinili nila tapos ‘di ko magagawa.

“May point of giving up na ako sa showbiz noon, after nung eksenang ‘yun pumasok ako sa kotse sabi ko, ayoko na, ayoko na. Umayaw na talaga ako.”

Naging challenge kay Paul ‘yung pangyayaring iyon. Imbes saw na gumive-up siya, naghanap siya ng solusyon para maibalik niya ang kanyang passion sa pag-arte. Naging big help din daw ang suporta ng pamilya niya.

“Mas mahirap kasi kapag nag-iisip ng ganun eh. Parang ‘pag masyado kang nag-o-overthink para sa sarili. Mas hindi mo magagawa.

“So na-realize ko noon bakit hindi ako maging relaxed, isipin ko kung bakit ako nagsimula sa showbiz. Isipin ko ulit kung ano ang passion ko. Passion ko ‘to. So relax and gawin mo. Huwag kang masyadong mag-overthink kung magagawa ko ba ito o hindi. Basta gawin mo lang kung ano ‘yung passion mo. Gawin mo lang kung ano’ng trabaho mo, intindihin mo lang.

“Na-help ako nila dad sa ganun, ng family, mas gumaan na ‘yung sarili ko. Nagawa ko na rin sa wakas tapos nakapag-adjust na rin ako hanggang ngayon.

vuukle comment

PAUL SALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with