^

Pang Movies

Cherry Pie tatlong linggong nagkipaglaban sa COVID! Marco Alcaraz nahawa rin sa taping

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Cherry Pie tatlong linggong nagkipaglaban sa COVID! Marco Alcaraz nahawa rin sa taping
Cherry Pie

Ligtas na sa COVID-19 ang magaling na Kapamilya actress na si Cherry Pie Picache.

Ayon sa kanyang post, hindi madali ang kanyang pinagdaanan lalo na nga at may pneumonia pala siya.

Walang nabanggit si Pie kung saan at paano siya nahawa ng nasabing sakit.

 “I was not sure if i should post, though after reflecting and praying...maybe it will be of help, send a little ray of hope and inspiration, a way to express my gratefulness and to always simply and honestly share a concrete testimony of God’s gift of faith and to just trust His loving mercy to heal and restore.
“To each of my prayer warriors, my family and dearest friends, my Dreamscape and ABS-CBN family, doctors, you know who you are.... I will forever be thankful, grateful and I am blessed to have all your love, support and help in one of my yet again, tough, painful and scariest 3 week battle. Kahit po naging matigas ang ulo ko dahil ayaw pahospital.
Anak, I am a blessed mother for having such a patient, loving, kind son. Thank you for taking good care of me. I know ‘twas not easy @niotria Bayz @thejozen_1 , thank you for all your prayers, reading to me the Word of God and my lullaby( through phone) in one of my most difficult nights To my sweet Jesus, my Divine mercy, my Padre Pio @sanpadrepioph and my Mama Mary
#isurvivedcovid19 #isurvivedpneumonia #boostyourimmunesystem #staysafe #observeprotocols #stayhome #wearamask #drinkyourvitamins.”

Bukod kay Cherry, nahawa rin si Marco Alcaraz ng coronavirus na may iba’t ibang variant na (sa taping ng kanyang ginagawang serye).

Kasalaluyan pa itong naka-quarantine at ayon sa kanyang vlog, apat na araw na lang ay kumpeto na siya ng 14-day quarantine.

Ang isang production company ay naka-quarantine rin ang isang buong department dahil sa symptoms ng mga staff nito. April na raw uli mag-o-operate ang nasabing department ng nasabing production company.

Dasal talaga ang kailangan dahil kahit anong ingat, hindi nakikita ang kalaban.

Mga celeb na papansin sa social media, pinagsawaan na ng iba

Walang masyadong epekto ngayon sa social media ang mga celeb na gumagawa ng eksena para mapansin at parang walang planong mangilin sa Holy Week.

Lahat kasi ay nakabantay kung ano nga bang mangyayari dahil everyday ay sumisipa ang bilang ng mga nagkakaroon ng infection.

Imagine, kahapon ay 9,838 ang new positive cases.

Eh buking na ang ibang celeb na sinasadyang magpa-controversial sa kanilang mga post para pag-usapan.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with