^

Pang Movies

Lani ayaw tumanggap ng trabaho sa showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Lani ayaw tumanggap ng trabaho sa showbiz
Lani

Ewan ko kung bakit parang si Lani Mercado lang ang hindi nami-miss ang showbiz. Si Alfred Vargas aminado na sobra siyang enjoy nang humarap uli sa kamera para sa guesting sa isang serye ng GMA 7. Pero si Lani, ang daming alok na tinanggihan, at kahit nga guesting lang, hindi tinatanggap. Para bang hindi siya naghahanap ng mga dati niyang ginagawa sa harap ng kamera, at talagang dedicated na ang panahon sa ­pagiging Mayor sa Bacoor, Cavite.

Or baka naman hindi lang niya bet ang lock-in eh konting araw lang naman pag guest ka lang.

Or baka naman talagang hosting ang mas gusto niyang gawin at hindi ang pag-arte. Ngayon kasi mas marami ang role na available sa mga katulad niya, strong support ng mga batang artista. Kailangan kasi na iyon mga kasama sa cast lalo na pag bago pa lang ang career ng isang star ay iyon mga masasabi mong matibay na haligi, the likes of Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez. Pag bago pa lang artista at hindi solid na haligi ang mga kasama, parang hindi glossy at kulang sa kinang.

Dapat may pangalan talaga, dagdag ningning, dagdag kinang. Kaya marami ang nag-iinquire sa kung puwede ba sila, kung payag bang sumali sa serye.

Naku Lani, kahit minsan lang, taping ka na uli noh, matagal ka nang hindi humaharap sa kamera, baka kinakalawang na iyan acting mo at maging mas mahusay na ang acting ni Bong Revilla lalo ka niya maeklay, hah hah.

Happy birthday…

Birthday pala ni mama Alice Eduardo. Siya iyon tinatawag na lady of steel dahil nga construction magnate na kilalang-kilala sa pagiging very charitable. Favorite ‘tita’ siya ni Scarlet Belo, bff ni Kris Aquino at godmother ni Kuya German Moreno at ng Walk of Fame. Marami rin friends na taga-showbiz si Mama Alice dahil nga nung buhay pa si Kuya Germs madalas siyang invited nito sa mga showbiz party na binibigay. Very close din siya kay Ka Tunying (Anthony Taberna) at sa pamilya Taberna. Napakabait at approachable kaya naman madaling maging kaibigan ng lahat.

Sana tulad din ni Alice Eduardo ang ibang rich Asians na bukas ang palad sa pagbibigay. Happy birthday po mama Alice Eduardo.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with