^

Pang Movies

Maris at Rico kinakikiligan, pinaamin sa relasyon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Demanding ang netizens, inuutusan sina Maris Racal at Rico Blanco na maglabas ng joint statement kung mag-ano talaga sila para raw matahimik na ang lahat saka para raw matahimik na sila at mas lalo pang kiligin.

Na pati mga taga-showbiz, kinilig din sa sinabi ni Ruffa Gutierrez na “the cat is out of the bag.” Cute ang reaction ni director Tonet Jadaone na akala raw niya may kiss sa dulo ng sagot ni Rico na “hahaha love youuu!”

Ang sarap basahin ng comment ng mga taga-showbiz at ang mas nakakatuwa pa, sa Instagram ni Maris nila binati ng happy birthday si Rico at hindi sa IG ni Rico.

Ano ‘yun, joint IG ng ­magdyowa ang IG ni Maris?

Andrea, apaw pa rin ang lungkot

Sa mga nababasa naming comments kapag may bagong post si Andrea Torres, suportado siya ng mga kaibigan sa GMA Network. Puro comments na pampalakas ng loob ang nababasa namin at parang ­feeling namin, nasa likod ni Andrea ang buong puwersa ng talents ng Kapuso Network.

Gaya na lamang sa bagong post ni Andrea na photo shoot niya para sa La Belle Fete, umulan na naman ang congratulatory messages and for her to keep going and to continue doing good.

Ang ganda nga ng comment ng close friends niyang sina Max Collins, Rochelle Pangilinan, pati ang mga kaibigang sina Sanya Lopez, Julie Anne San Jose at Ina Feleo.

Kaya, kahit may nagsasabing malungkot pa rin ang mga mata ni Andrea, masaya na ito sa suporta sa kanya ng mga kaibigan. Nakakatulong na busy ang aktres sa taping ng The Legal Wives at paggi-guest sa ibang shows ng GMA 7.

Sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras, pinasalamatan nito ang mga trabahong dumarating sa kanya. Mas masarap daw magpasalamat sa blessings na ­dumarating kesa maging nega.

Naurong sa May ang world premiere ng Legal Wives dahil mas pinapaganda ng production.

ICSY, ikinumpara sa combo meal

Ikinumpara ni director Mark Reyes ang On My Way To You, ang first installment ng Season 2 ng I Can See You sa combo meal dahil kumpleto ito - may romance, drama, comedy at may special effects na mayroong eight episodes. “In-assure ko ang viewers, busog sila sa kanilang mapapanood and it helps na malakas ang chemistry nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, hindi na kailangan ipilit pa,” sabi ni direk Mark.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with