^

Pang Movies

Bitoy, bumanat sa mga naggagaling-galingan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bitoy, bumanat sa mga naggagaling-galingan
Bitoy

Idinadamay si Michael V. ng bashers ng Voltes V: Legacy dahil nag-comment daw siya sa comic strip ni Pol Medina na inunahan ang GMA Network at pinahagingan ang head writer na si Suzette Doctolero.

Kaya sa latest vlog ni Bitoy na DX Voltes V (Unboxing & Review), nag-react ito sa viral teaser ng Voltes V at ang sabi, “‘wag magpanggap ang nakapanood ng teaser na hindi sila na-impress at na-excite.

“’Yung iba kasi naggagaling-galingan, kung anu-ano ang sinasabi, dapat ganito, dapat ganun. Naka, huwag ako. Well, hindi naman ako magpapanggap na hindi mataas ang expectations ko, pero kampante naman ako, kasi siyempre kilala ko naman si Direk Mark Reyes – geek talaga ‘yan, e, tsaka matagal na niyang pangarap ‘yan. I’m sure grabe ang pressure sa buong production. Kaya ang advice ko lang for all the people involved is really enjoy this opportunity.”

Naniniwala naman si Bitoy na kahit may bashers na ang Voltes V: Legacy, mas marami pa rin ang supporters sa project at sa GMA Network, at excited na silang mapanood ito.

Bahay ni Derek, laging parang may party

Hindi na nagkakahiwalay sina Derek Ramsay at Ellen Adarna at parang totoo ang comment ng friend ni Derek na si Gerry Santos na in-love ang bff niya (si Derek) kay Ellen. Perfect match din daw ang dalawa at sa isa pang IG Story post nito, sabi, “so happy for both of you.”

Pati nga sa pagwu-workout, magkasama na rin sina Derek at Ellen, from jumping rope to boxing. May video pa nga sa boxing spree nina Derek at Ellen na habang nakahiga si Ellen, sinusuntok ni Derek ang kanyang tiyan habang nagtatawanan ang mga tao sa paligid nila. Napapansin din ng netizens na hindi na conscious si Derek na akbayan o kaya’y hawakan sa beywang si Ellen.

Sa isa namang IG Story ni Derek, katatapos lang nilang mag-dinner ni Ellen sa kanyang bahay. Curious lang ang netizens kung bakit laging maraming tao sa bahay nina Derek. Parang lagi raw may party sa bahay at kapag lumalabas, marami rin silang kasama.

Miguel at Kyline, nahanapan ng pagtatambalan

Itutuloy na rin ng GMA 7 na pagtambalin sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara at mangyayari ito sa isang installment ng I Can See You na ibabalik ng network. Nag-virtual storycon na para rito at si Dominic Zapata ang magdidirek ng episode.

Kapag naging successful ang tambalan nina Miguel at Kyline, tiyak na masusundan pa ang kanilang tambalan. Masaya ang shippers ng dalawa, at least daw, nahanapan na ng network ng makaka-love team si Miguel.

Victor Neri, laging bitbit ni Sen. Bong Go

Assistant Secretary pala ng DSWD ang aktor na si Victor Neri, kaya pala lagi siyang kasama ni Sen. Bong Go kapag may binubuksang Malasakit Center ang senador. Sa kanyang Instagram, mga litrato ng pagbisita sa iba’t ibang probinsya ang pino-post ni Victor.

Sa nakikita naming naka-post na tarpaulin sa pagwe-welcome kina Victor at Sen. Bong Go, laging nauuna ang pangalan ni Victor kesa senador. Mabuti at hindi pa ito pinapansin ng bashers at mga gusto lang manggulo.

Consistent ang hashtag ni Victor sa kanyang mga post na #magtrabaho lang tayo #du30goneri.”

vuukle comment

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with