^

Pang Movies

Angeli, hindi nagpahuli sa mga bida

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming humahanga sa guma­ganap na kasambahay ni Coney Reyes sa seryeng Love of My Life na si Angeli Bayani. Sino raw ba ang babaeng ito at nabigyan ng bonggang role sa naturang serye.

Mahusay na aktres si Angeli, kaya may K talaga siyang magkaroon ng bonggang role.

Agaw-pansin kasi ang acting niya sa bawat eksena at hindi nagpapahuli kina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, Tom Rodriguez at iba pang big stars.

Well, hindi pala dapat pagtakahan kung bakit magaling umarte si Angeli dahil naging Gawad Urian Best Actress siya noong 2014.

No wonder napili siyang ihanay sa mga gumaganap na malalaking karakter sa Love of My Life.

Mga manggagawa sa sinehan, umiiyak na

Natutuwa na sana ang maraming staff ng movie houses nang mabalitaang bubuksan na ang mga sinehan dahil magkakatrabaho na uli sila pero may ilang Metro Manila mayors ang kumontrang huwag munang buksan dahil hindi pa ligtas at naglilipana pa ang COVID sa Kamaynilaan.

Komento ng mga nabigong tauhan ng bubuksang sinehan, bakit daw kinontra pa gayung isang taon na silang walang hanapbuhay. Mabuti pa raw ang ibang mga tauhan lalo na sa Metro Manila na may hanapbuhay ay sumusuweldo, paano naman daw ang mga jobless workers na umaangal na?

Sana naman daw kaawaan ang mga walang hanapbuhay sa panahon ng pan­demya.

Korona, binabantayan…

May guwardiya ang kinoronahang La Purisima Concepcion de Baliwag sa Baliuag dahil gold-plated daw ang korona nito handog ng Tengco Family.

Sa hirap ng buhay ngayon, wala talagang katiyakan kung may makakaisip ng masama at makursunadahan ang korona ng birhen.

vuukle comment

ANGELI BAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with