^

Pang Movies

Gerald at Sarah nakakahinayang pa rin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gerald at Sarah nakakahinayang pa rin!
Gerald at Sarah

Martes na naman kahapon, Salve, Happy, smiling Tuesday para sa Take It… Per Minute Me Ganun namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu. Masaya na ika-tatlong linggo ng ating anniversary presentation na si mama Lily Chua ang sponsor ng lunch natin.

As usual, maaga akong dumating at nag-relax sa pagkain, hindi tulad ni Mr. Fu na laging nagmamadali kasi late.

At dahil Valentine presentation na ang major sponsor ay ang Beautederm ng mahal kong si Rei Tan, talagang inungkat natin ang mga loveteam loveteam noon at ngayon.

Pero ang isang sure ako, favorite loveteam ko sina Gerald Anderson and Sarah Geronimo at ilang beses ko talagang pinanood ang pelikula nilang Catch Me, I’m In Love and Won’t Last A Day Without You.

Grabe talaga ang kilig ko sa kanila at paulit-ulit kong pinanood ang pelikula nila.

Sayang talaga at hindi naging sila. Ang lakas ng sexual tension nila sa mga pelikula nila. Hahaha. At least naramdaman ko ‘yung sexual tension ha. 

Naku ayaw ni Julia Barretto at Matteo Guidicelli noh.

Pero talaga ang isang na-miss ko kahapon ay ang special gift lagi ni Rei. Hahaha.

Time management, kailangan para ‘di ma-stress sa traffic

Talagang nakaka-stress pala ‘yung traffic ‘pag ikaw ay may meeting o pupuntahan? Siguro nga kaya may mga road rage na tinatawag, ‘yung nag-aaway dahil sa stress ng traffic, ‘yung nawawala sa sarili dahil nga merong hinahabol na kausap at oras. Madalas pang nagkakaroon ng mga aksidente sa kalye dahil na rin mainit ang ulo ng drivers dahil nga sa traffic.

Kaloka talaga, pero kahit pa nga ma-traffic, hindi tayo dapat patalo. Traffic lang hindi mo kaya, paano pa ang ibang problema sa buhay?

Ang traffic ay hindi mawawala dahil sa rami ng sasakyan sa kalye, kaya relax lang, gandahan ang time management para hindi ma-stress. Konting problema lang iyan, easy lang.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with