^

Pang Movies

Ryan at Juday nawindang sa effort ng mga anak sa V-day!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang sweet ng mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil nagtulung-tulong sina Yohan, Lucho, at Luna para paghandaan sila ng special Valentine’s Day dinner. Very proud na pinost ng mag-asawa ang family picture nila with the sweetest message.

Sabi ni Judy Ann, “We have the sweetest kids, they surprised us with a lovely home cooked meal complete with sounds, invitation, dinner with candlelights! The works! Lucho is the executive chef (he cooked our steak perfectly!) ate yo is the pastry chef (she made peanut butter ala mode) and luna as the lady guard who also made the truffle pasta (ginalingan e! Binantayan pala kami habang natutulog!) truly the BEST DATE EVAH! Thank you Lord for blessing us with such wonderful kids!”

Sinundan ito ng post ni Ryan na sabi, “Best Valentines Evah at the R.O.R- Restaurant of Romance. The Chef, Pastry Chef and Lady Guard.”

Pinost din ni Judy Ann ang special invitation at menu na gawa rin ng mga bata. Nakasulat doon na “wear something casual.” Nakasulat sa menu ang appetizer na mushroom soup, ang main dish na truffle pasta at steak with sauted vegetables, at dessert na peanut butter brownies ala mode.

Zia, may pusa na

Nakakaaliw din ang special at Valentine’s Day dance nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at sa loob lang ng bahay. May pabuhat-buhat pa si Dingdong kay Marian na walang ginawa kundi tumawa. Tuwang-tuwa si Zia na nakatingin sa parents niya at later on, nag-cameo na rin sa dance number nina Dingdong at Marian.

Ang ganda ng set up ng Valentine’s Day dinner na inihanda ni Marian para sa kanila ni Dingdong at mga anak. May pa-balloons at may menu pa kung ano ang dinner nila that night. Naalala naming nabanggit ni Marian sa mediacon niya for WalterMart na spaghetti ang special request nina Dingdong at Zia na ihanda niya na for sure.

Samantala, may bagong member sa family nina Dingdong at Marian, siya si George, isang white cat na pet ni Zia. Pinasalamatan ni Marian si Jennylyn Mercado na tumulong para mapasakanila si George. May cat cafe sina Jennylyn at Dennis Trillo kung saan may mga alaga silang different breed of feline family.

Goma at Lucy, todo pa rin ang kiligan

Parehong short, pero sweet ang palitan nina Congw. Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard Gomez ng Valentine’s Day greetings.

Si Lucy, nag-post ng throwback photo ni Richard na labas ang kagwapuhan ng asawa at may caption na “My love song, my favorite love story. You take my breath away @richardgomezinstagram.”

Sabi naman ni Richard, “The source of my joy, inspiration and happiness is @lucytgomez Happy Valentines my love!!!”

Kasunod nito, nag-post din si Richard ng photos nila ni Lucy na kitang-kita ang kanilang sweetness.

Nakakatuwa pala ang bahay nina Richard at Lucy sa Ormoc City dahil libre ang mga alaga nila na rumampa. Sama-sama ang mga manok, may lizard, may baboy pa and of course, may mga aso. Ang mga manok nga, sa sala nila nangingitlog, secure na secure ang mga alaga ng mag-asawa sa bahay nila.

Manny Valera dalawa agad ang apo

Ang suwerte ni Manny Valera dahil dalawa sa ta­lents niya ang magkasunod na nagka-baby o magkaka-baby. Nauna na si Janella Salvador na nanganak na ng baby nila ni Markus Paterson.

Ngayon naman si Sophie Albert na buntis sa baby nila ng fiance niyang si Vin Abrenica. Kaya ang labas ni Manny, lolo twice.

Hindi pa nabanggit nina Vin at Sophie kung ilang months na ang ipinagbubuntis ni Sophie, parang maliit pa ang tiyan, pero baka biglang lumaki ang tiyan niya ngayong in-announce na pregnant na.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with