^

Pang Movies

Joey, tutok sa TIPMMG

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Joey, tutok sa TIPMMG
Joey

Matuwa ka, Salve, dahil isa pala sa nanonood ng Take It... Per Minute, Me Ganun si Joey de Leon ha. At gustung-gusto niya si Mr. Fu dahil nagkasama na sila sa trabaho before.

Imagine mo na nagwa-watch si Joey de Leon at nag-aabang ng blind items, hah hah, at sure akong marami siyang blind items na alam.

Enjoy kasama si Joey sa trabaho dahil team player siya, very professional at mabait sa staff. Paborito siya ng staff ng kahit anong show kung saan siya kasali dahil nga sa very cool at cowboy makisama.

Hayan, Mr. Fu, lagot ka ‘pag hindi mo sinabi kay Joey de Leon ang mga blind item na pinakakawalan mo, dapat ibuking mo iyan lahat.

Thank you, Joey, sabihin mo sa amin ang mga mas juicy news na alam mo, ibubuking namin sa TIPMMG, hah hah.

Tuesday po, 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON at buy kayo ng Pang-Masa at Pilipino Star NGAYON para sa hot items sa column namin nina Cristy Fermin at Salve, walang fake news, promise. 

Kim at Xian, tugma sa isa’t isa

Siguro naman sa kasalan din mauuwi sina Xian Lim at Kim Chiu. Mukha namang good ang influence sila sa isa’t isa, at mukhang maganda ang chemistry kaya nagtagal ang relationship ng dalawa.

Sa mga nakikita ko na pictorial nilang dalawa, mukha namang ‘yung body language nila in sync kaya very romantic tingnan.

Sana naman sa kasalan sila mag-ending dahil matagal na rin sila as BF/GF.

Mukhang mapagmahal na lalaki si Xian dahil sa nakikita mong pag-aalaga niya sa family niya, si Kim naman ganundin, ang bait din sa mga kapamilya niya.

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with