^

Pang Movies

Mommy ni Pia, nakikipagbati na sa kanyang kapatid

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-extend na ng reconciliation ang mom nina Pia at Sarah Wurtzbach kay Sarah na kanyang nakaaway. Sana pakinggan at ibigay ni Sarah sa mom niya ang wish nito tutal New Year naman.

Post ni Cheryl: “Can anybody share this to my daughter Sarah as I am blocked and can’t  send this. Bati na tayo anak bunso, I love you, I miss you, i dream of you every night, can i knock there bringing you some goodies i cooked? Please?”

Wala pang sagot si Sarah sa post ng ina at hindi siya matanong ng kanyang followers dahil naka-private yata ang Instagram account nito.

Alice, mas nakilala ang mga katrabaho

This January, magre-resume ang taping ng Legal Wives at lock-in taping pa rin ang mangyayari at ang balita namin, tatapusin muna ng production ang taping ng buong series, kaya naka-target sa March 2021 ang airing nito.

Isa si Alice Dixson sa major cast ng Legal Wives at ginagampanan ang role ng isa sa tatlong asawa ni Dennis Trillo. Nabanggit ni Alice ang isa sa advantage ng lock-in taping, “Gusto ko yun feel ng fewer crew & staff. I get to know everyone by their 1st names.”

Sa kasunod na clip na pinost ni Alice, isa-isa ngang binanggit ang mga pangalan ng staff at crew. Ang hindi lang nabanggit ni Alice at hindi naipakilala sa kanyang followers ay ‘yung nakasuot ng face mask at face shield. But the rest, kilala niya sa kanilang first name.

Zia, tinuruang magtanim

Pinuri ng netizens sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil itinuro kay Zia ang Philippine fruits gaya ng mangga, melon, pak­wan at iba pa. Para mas ma-appreciate ni Zia ang locally produced fruits, sinabayan nina Dingdong at Marian ng konting sayaw at kantahan gamit ang composition ni Ryan Cayabyab na Prutas Pilipinas.

Sabi ni Dingdong, “Teaching our kids about healthy food- lalo na ang mga prutas na locally produced, will not only deepen their appreciation of a healthy lifestyle, but also the rich resources of the country and the need to be of help in promoting and sustaining our Filipino farmer’s livelihood.”

Si Dingdong mismo ang kumuha ng video gamit ang 3-cam set up at take one pa raw. Ibig sabihin, gan’un kahusay turuan si Zia dahil ilang turo lang at take one kaagad.

And speaking of Zia, hindi pa pino-post ni Marian ang picture ng panganay suot ang cutie swimsuit habang nasa bakasyon sila sa Amanpulo, Palawan.

Itinuro rin nina Dingdong at Marian ang kahalagahan ng mga puno kay Zia, kaya pina-experience nila ang mag-tree planting sa kanilang anak.

Paano eere na ang book 2

Bukas na (January 4) ang premiere ng Paano Ang Pangako, sa TV5 na book 2 ng Paano Ang Pasko na based sa winning story ng Palanca Hall of Famer Jun Rob­les. Sina Eric Quizon, Perci Intalan, at Ricky Davao pa rin ang directors ng Book 2 ng series at i-introduce rin ang new characters.

Nabanggit sina Bing Loyzaga, Karel Marquez, Miles Ocampo, Kyle Velino, at Ahron Villena sa mga bagong cast. Ang sabi, si Bing ang kapalit ni Julia Clarete, pero nabasa namin na may mga eksena pa rin si Julia sa Paano Ang Pangako.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with